[24] Dangers In Strangers

4.9K 208 31
                                    

EPISODE 24
Dangers In Strangers

Gimbal namang napatingin sila Verdandi sa bagong dating. Hindi sila makagalaw. Napasigaw pa ng kaunti sina Sean at Rilley sa nakita. Lahat ng mga mata nila ay nakapukol sa kahindik-hindik na itsura ng taong ito. O tao ba talaga ito?

"E-elizabeth. Eliza--beth. Tulungan mo ako, Elizabe-th," anito na halos gumagapang na sa bitak-bitak na sementadong hagdan, papaakyat sa kinatatayuan nila. Gamit ang kamay nitong may matataas na kuko, ay pilit nito silang naabot--gumagapang na hirap na hirap, hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa paanan ni Verdandi.

Hindi pa rin sila makagalaw na para ba silang naging bato pagkakita sa taong-ahas na ito. Isang halimaw...

"E-elizabeth--" untag nito sa kanya na akmang hahawakan ang isang paa niya. "Elizabeth parang awa mo na. Elizabeth..."

"Verdandi, lumayo ka sa kanya!" pasigaw na babala ni Azrielle. Ngunit di siya tuminag. "Verdandi!"

Namalayan na lang niyang sinugod na pala nina Sean, Dardy at Sebastien ang taong halimaw. Sa komosyong nangyari ay natabig siya ng mga ito at napaupo siya sa lupa. Hindi, iling ni Verdandi, ang taong ito ay si Horace Gardmann. O minsan siyang naging si Horace Gardmann. Hindi siya isang halimaw...

Kinarga naman ni Sebastien si Bridgit, pagkatapos ay hinila din nina Azrielle at Rilley ang walang malay na si Marcus at pinasandal sa isang tabi. Samantalang sina Sean at Dardy, ay hinila ang taong halimaw pinaupo sa isang sulok, hawak-hawak ang dalawang braso nitong halos kalansay na sa kapayatan. Napahiyaw naman ito sa sakit at kaawa-awang humagulgol.

"T-tama na 'yan," aniya sa nagkakahulong mga kasama. Ngunitnnang makita niyang walang nakinig sa kanya, ay pinalakas niya ang pagkakasabi. "Tama na sabi!"

Lahat naman sila ay natigilan at tumingin sa kanya. Tumayo siya sa kinauupuan at dahan-dahang nilapitan ang nilalang. Hindi, limihim na napailing ulit si Verdandi. Kahit ano ng itsura niya ngayon--tao pa rin siya.

"Mr. H-horace," bulong niya. "M-mr. Gardmann--"

Mas lalo namang nagulat ang mga kasamahan niya. Pero si Azrielle ay mas lalong nangamba nang tuluyan na siyang umupo isang dipa malapit dito.

"Verdandi, anong ginagawa mo?" sita nito.

Ngunit wala sa kanila ang atensyon niya kung hindi naroroon kay Horace Gardmann. At sa mga sinabi nito.

"Verdandi, mapanganib ang taong 'yan!" babala ni Sebastien. "Pugante ang taong 'yan. Pinaghahanap siya ng High Council!"

"Sssh!" sabi lang niya. Muli niyang tiningnan si Horace--o ang nilalang na minsang naging si Horace. Klaro pa ang mata nito, ang ilong at ilang prominenteng bahagi ng mukha nito. Ngunit ang balat nito ay kawangis na ng sa ahas, ang ilong nito ay halos mawala na. Ang dati nitong mahabang buhok na nakita niya sa picture ay ngayo'y namuti na halos ubos na. Samantalang sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito ay may nagsusulputang patay na ahas, na para bang dumikit ito roon.

"Tsk, parang may putrid matter pa ata," bulong ni Sean na hawak pa rin ng mahigpit si Horace. Pinagpag nito sa gilid ang malagkit at maburak na kulay berdeng likido.

"Elizabeth," muling pagsusumamo ni Horace. May ekspresyon itong hindi mabatid ni Verdandi kung para saan. "E-elizabeth. P-patawarin mo ako. Ginawa ko ang lahat, Elizabeth. P-pero m-malakas siya. Makapangyarihan siya...! Elizabeth, patawad..."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now