[36] The Garden of Pomegranates

4.8K 252 71
                                    

Hello guys... Pasensya na sa tagal ng update at maraming salamat po sa pagbabasa hanggang sa ngayon...  Pasensya na ulit at di pa rin ako nakakapagreply sa mga comments, messages at mga tanong niyo pero nababasa ko po silang lahat hehe... Salamat din po sa mga nag-vote at lalung-lalo na sa mga sumagot sa mga  tanong ko last time. Pasensya na rin po sa sabaw kong update ngayon na medy mahaba din talaga hehe... Sa taas, pang-soundtrack lang ulit hehe... Thanks ulit at enjoy...!

EPISODE 36
The Garden of Pomegranates

Naglalakad lang kanina si Azrielle nang mapansin niya ang biglaang paglakas ng hangin at pagsama ng panahon. Anong--? kunot-noo niyang tanong sa sarili at napatingin sa langit. Umaambon pa yata. Malas naman. Kung kelan festival, saka naman di sinuguro ng Student Congress ang mga weather vascilluxes na i-delay ang ulan.

Nang biglang bumuhos ang langit. Pero kung akala niya ay tubig ang magmumula doon, nagkakalamali siya. Nilabas niya ang kamay at sinalubong ang pagpatak ng nyebe.

Nyebe? pagtataka niya. Ang aga naman yata.

Doon din niya napansin ang mabilis na paglagas ng mga dahon sa lupa, dala ng malakas na hangin. Tumigil naman bigla ang paghangin at pumatak na nga ang unang nyebe ng taong ito sa Academy. Napatingala din ang iba pang mga estudyante sa pagbabago-bago ng panahon ng biglaan at pag-ulan ng nyebe.

Palakas ng palakas ang pag-ulan ng nyebe at ang mga tao'y nagreklamo na hindi man lang sila napagsabihan sa weather forcast nang nakapagdala pa sila ng coat. Mabilis din ang pagbaba ng temperatura kasabay ng paglakas ng nyebe, at nagging dahilan ito para maghanap ng masilungan ang mga estudyante at bisita sa grounds.

Hindi normal ito, aniya sa sarili. Either may vascillux na naggugulo o nagmamanipula sa panahon, or may nangyayaring hindi maganda. Mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa school grounds. Halos lahat ng tao ay naghanap na ng sisilungan sa nagbabadyang bagyo. Bago pa man siya makarating sa pinakagitna ng grounds ay halos malubog na ng banig-banig ng nyebe ang paa niya. Change of seasons, aniya bigla. Power to manipulate the seasons. Probably. Kaya napaaga ang winter.

At nang mapunta siya sa isang mukhang flowershop na nagyeyelo na ang mga bulaklak na di nagawang mailigpit sa pagmamadali, ay may nakita siyang babaeng humihikbi sa sarili at nakaupo sa isang bangko malapit doon. Nilapitan niya ito at nang mapansin siya nito ay nagulat siya nang mamukhaan ito.

"M-miss Elissabeth Liddell?" untag niya dito. Kilala niya ang vascillux ni Demeter--diyosa ng lupa at pag-aani. Umiiyak nga ito. Mukha itong tumanda ng ilang taon literal, at may puti na sa buhok nito. Di niya alam kung dahil ba 'yon sa nyebe o sa sobrang paggamit ng psychus nito. Pero sa isang bagay lang siya sigurado: mukhang nagwawala ang kapangyarihan nito.

Delikado na magwala ang psychus ng isang Olympian Vascillux. Kapag di 'yon na-kontrol ay maaari itong makaapekto ng lubos-lubos sa paligid, sa lupa, sa himpapawid, at ang mas malala ay maaari itong makapaminsala. Minsan niya nang nakita ang pagwawala ng kapangyarihan ng isang Olympian Vascillux--una kay Hapi, at ikalawa kay Sebastien nang halos malunod nito noon ang buong Elementary Division.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now