[79] The Strongest Ones In Times of Despair

1.8K 123 57
                                    

Hi guys! Thanks sa pagbabasa! May nagtanong na hindi daw nila makita ang EP 77, tanong ko rin kung ganoon din ba sa inyo? Tingnan ko ulit kung bakit pero subukan ko ano magagawa ko kasi baka bug lang din talaga siya? Sa mga readers na nagsabi na kinilabutan sila last episode, ako din eh hahahahahahaha pero salamat ng marami sa mga nakakatuwa niyong comments! Video sa taas para pangmusic sa chapter na ito. Konti na lang talaga at mararating na natin ang dulo. Nahulaan niyo na ba ang magiging ending? Hahahahahaha... Thanks ulit and hope you enjoy!

EPISODE 79
The Strongest Ones In Times of Despair

Sandaling hindi makagalaw si Verdandi habang nakakapit pa rin sa dyaryo na nasa isang kamay niya. Umalis na sa mesa ang mga estudyante at nagtakbuhan. Puno rin ng tilian ang paligid.

Hinanap niya agad sina Osiris. Nagkakagitgitan at nagkakabanggaan na. Muntikan na rin siyang matumba at madaganan sa lupa nang dahil na rin sa ilang beses siyang natamaan ng mga estudyanteng nagkukumahog na iligtas ang mga sari-sarili.

"Verdandi, dito!" sigaw ng isang boses. "Verdandi!"

Nakita naman niya na kumakaway si Rummstein sa malayo. Parang nadadala na ito ng agos ng tao, ngunit dahil malakas ito ay hindi ito natutumba at nagagawa nitong maitulak ang mga bumabangga sa kanya. Kasama nito si Dardy na may hawak na espada, pati si Osiris ay may hawak na ring armas.

Nagkatinginan silang dalawa. Ngunit nabaling din ang atensyon nito nang sinugod ito ng spirit serpent. Doon lang din napansin ni Verdandi na hindi lang pala isa kundi marami palang spirit serpents na gumagala sa paligid nito at umaatake sa mga estudyante.

Iniwa nito ang spirit serpent gamit ng umiilaw na espada. Mahikal ata ang espadang 'yon dahil nagagawa nitong itaboy ang spirit serpent. Hindi sila pwedeng mahawakan nito dahil sa oras na mangyari 'yon magiging kagaya din sila ni Jareid.

Habang si Ghost Girl naman ay nilapitan ang katawan ng kaklase nila.

Nagsimula naman siyang makipaggitgitan papunta sa kinaroroonan ng mga ito nang mapahinto siya. Isang sigaw mula sa isang pamilyar na boses ang narinig niya. Lumingon siya.

Si Lamia.

Nasa tabi niya na pala ito ngunit takot na takot itong nakatitig sa malayo. Sinundan naman ito ng tingin ni Verdandi at nakita niya si Eurynne Myreen na napako sa kinatatayuan nito, hanggang sa tinagusan na rin ito ng spirit serpent. Bumagsak din ito sa lupa.

"Tara na!" aniya at hinila ang kaklase. Litong-litong napatingin sa kanya ang babae ngunit di ito makapagsalita. Hinawakan niya ng mahigpit si Lamia sa pulsuhan at hinila ito papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan.

Nasasaktan na siya sa mga nababangga sa kanya ngunit nagpatuloy sila sa pagtakbo papalayo mula roon. Panay naman ang reklamo ni Lamia dahil natatapakan ang paa nito at natutulak. Maya-maya namang natitisod si Verdandi sa mga natumba nilang kaschoolmates ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang hawak dito at binilisan ang pagtakbo.

Walang kaa-kaaway ngayon. Kailangang makaligtas ang pwede maligtas, determinado niyang sabi sa sarili.

Ngunit nagulat naman siya nang harangin siya ng spirit serpent. Tumili si Lamia. Napamura naman siya at umatras.

Paano niya lalabanan ang isang 'to? Napatiim bagang siya. Bahala na. Kung hindi ko sila malalabanan, iiwasan ko na lang sila. Hangga't kaya.

Sumugod sa kanila ang spirit serpent at gustong kumawala ni Lamia habang sumisigaw. Hahayaan niya na sana ito para makatakas pero humarang si Ghost Girl sa dinadaanan niya. Gamit ang club nagbibigay ng purplish na ilaw at puno ng spikes ay hinataw nito ang spirit serpent.

Ngunit nalusaw man ang spirit serpent na 'yon ay nagsidatingan naman ang iba pa sa mga kauri nito.

"Tumakas na kayo," sabi ni Ghost Girl. Patuloy nitong hinataw ang mga serpent.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now