[83] Their Mad Run Inside The Maze

2K 113 53
                                    

Hi guys! Pasensya na kung di ako nakapag-update masyado last week. Naging busy lang eh, pero salamat pa rin sa mga nagbabasa pati na sa mga messages at comments niyo. Medyo mahaba ang update kasi sinulit ko na rin. Video sa taas pang-music background, sana mafeel at mavisualize niyo ang maze sa loob ng higanteng kastilyo. Kung may tanong kayo, comment lang sa baba. Susubukan kong sagutin. Happy third year din sa story na 'to hahahahahahaha... Thanks ulit and hope you enjoy!

EPISODE 83
Their Mad Run Inside the Maze

"Aaaaahhh!"

Pinaputok ni Professor Steravnosky muli ang cannon sa direksyon ng mga zombie guards. Nagsidatingan naman ang mga spirit serpents kaya naman humarang si Professor Ravisolli sa harap nila at itinaas nito ang bow and arrow.

At gaya ng liwanag ay nagpaulan ito ng umiilaw na golden arrows papunta sa mga spirit serpents. Nalusaw ang mga ito na parang mga usok.

Muling nagsidatingan ang iba pang zombie guards. Napa-tsk si Professor Steravnosky dahil inaayos niya pa ang cannon. Tumalon si Professor Ruvia sa harap at iwinasiwas ang higanteng battle axe sa mga ito.

"Takbo na!" sigaw ng propesora.

Hindi naman magkandaugaga sina Verdandi sa pagktakbo. Dumaan sila sa isang maliit na kalyehon na nagsisilbing shortcut papunta sa Haunted Mansion. Nasa unahan nila si Professor Ruvia at katabi nito si Professor Ravisolli. Silang dalawa ang lumalaban sa mga zombie guards at spirit serpents sa harap. Habang si Professor Steravnosky naman ay nasa likuran at pinapapaputukan ang mga humahabol na mga kalaban.

Gustong gamitin ni Verdandi ang crossbow para tulungan ang mga ito pero pinigilan siya ni Professor Ruvia.

"'Wag na muna. Tipirin niyo ang lakas niyo para sa pagpunta niyo sa baba," ani Ruvia. "Ito ang trabaho namin sa ngayon, ang i-escort kayo ng buo at walang galos papunta sa mansion, so just focus on running there, we'll be fine."

Nginitian naman siya nito kaya tumango nalang siya at ngumiti. Ilang beses pa silang nahaharangan ng mga kalaban ngunit buti na lang ay mabilis ang mga propesor at natalo kaagad ang mga ito. Ngunit dahil ay may mga maya-mayang dumarating ay minsan natutukso silang mga estudyante na makipaglaban na rin pero pinipigilan sila ng mga professors.

"Malapit na tayo!" sigaw niya nang maaninagan ang mansyon nang biglang sumulpot si Professor Fryggandor sa harap nila. Para itong ipu-ipong bigla na lang dumating. At nang mahawi ang mga dahon at usok na pumapalibot dito ay nakita na nila ito ng buo.

"Saan kayo pupunta?" sabi ni Professor Fryggandor. Isang malamig na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito ngunit walang umabot niyon sa maiitim nitong mga mata. Sa likod nito ay mga di mabilang na spirit serpents at zombie guards ang nakaantabay.

"Wala ka na doon. Alis na," sabi naman ni Professor Ruvia, ang huli nitong sinabi ay sa kanila pinukol. Tumango naman sila. Nagulat naman siya nang tinapik sila ni Osiris at naglaho ang mga katawan nila. Naging invisible sila! Naramdaman naman niyang may humawak sa kamay niya na isa sa mga kaibigan niya at hinila siya paaalis doon.

"Suwail," ani Fryggandor naman kay Ruvia.

"Suwail? Buti sana kung ahead ka sa akin ng taon at experience," ani Ruvia naman. "'Wag mong kakalimutan na sabay tayong nagpaenrol dito ilang dekada na ang nakakaraan, Mary."

Inihampas ni Fryggandor dito ang isang spike at sinangga naman 'yon ni Ruvia gamit ang battle axe nito. Nagpatuloy naman sa pakikipaglaban sa mga zombie guards at spirit serpents sina Steravnosky at Ravisolli. 'Yon na ang huling nakita ni Verdandi sa mga professors bago ito nawala sa paningin nila.

Sa wakas ay nakaabot din sila sa Haunted Mansion. Pagpasok na pagpasok pa lang nila sa loob ay rinig na nila ang paglangitngit ng kahoy na tinatapakan nila sa sobrang katandaan. Kaya pala noong pinakinggan nila ang recording sa listening wax ni Enrico ay nakarinig sila ng yabag ng taong naglalakad sa kahoy.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now