[60] Escaping the Academy

3K 121 160
                                    

EPISODE 60
Escaping the Academy

Napamulagat naman si Verdandi sa sinabi nito. Napaatras siya ng kaunti at tumawa ng malakas.

"Ano bang pinagsasabi mo? In love? Kanino naman ako ma-iinlove?" aniya na tatawa-tawa pa rin.

"Sa akin, gusto mo?" sagot naman ni Sean. Nahampas naman ito ni Verdandi sa braso at ito na naman ang tumawa. "Joke lang! Kilala ko naman kanino--tumitibok ang puso mo."

Lumapit naman sa kanya si Sean at may binulong sa tainga niya. Nanlaki naman ang mga mata niya. Noong una ay halos hindi siya makagalaw at makapagsalita. Rinig niya ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya. Ngunit nang muling umayos sa pagkakatayo si Sean at ngumiti sa kanya ay sinubukan niyang salubingin ang tingin nito.

Muli siyang tumawa at ikinumpas ang kamay niya sa kanyang harapan. "Kalokohan. Magkaibigan lang kami nun, ano ba?"

Nagkibit-balikat naman si Sean. "Ang bibig maaaring magsinungaling, pero ang puso hindi. Sa tingin mo sa'kin kanina, parang gusto mo na akong halikan. Ang masaklap nga lang, hindi ako ang nakikita mo."

Padrama pa nitong hinawakan ang dibdib at pinunasan kuno ang luha nito. Napailing na lang si Verdandi sa ginagawa nito hanggang sa pareho silang natawa. Nawala naman ang ngiti niya nang maisip ang sinabi nito. Tama nga kaya ito? Posible nga kayang nahuhulog na ang loob niya sa lalaking 'yon?

Pero hindi pwedeng mangyari iyon. Minsan na siyang nasaktan nang unang nahulog ang loob niya sa iba. Napakasakit niyon. At ayaw na niya uling mangyari iyon kung pwede lang. Kung magmamahal man siyang ulit, ayaw niyang masaktan lang.

Pero imposible namang hindi ka masaktan kung magmamahal ka, diba? argumento naman ng isang bahagi ng isip niya. Ano bang alam mo sa pagmamahal? Wala.

Tama na ang minsang di sinasadyang mahulog ang loob niya sa kapatid nito apat na taon na ang nakakaraan. Baka naman kasi, naaalala niya lang ang kakambal nito. Baka gano'n nga lang, aniya sa sarili naman, baka nga naaalala ko lang siya sa kanya. Naka-move on rin naman siya sa one-sided love niya sa kapatid nito pagkatapos ng dalawang taon. Ayaw lang niyang umasa ulit, dahil alam naman niyang wala itong nararamdaman para sa kanya.

"Oy? You still alive there?" ani Sean na sinundot ang braso niya. Kumunot naman ang noo niya at ginantihan ito ng sundot. "Balik na nga tayo sa pagtetraining. Hayaan mo, kung walang mangyayari sa inyo, ako ang sasalo sa'yo. I'm always here for you. Ayieee!"

Natawa si Verdandi dito. Ito pa ang may ganang kiligin.

"Ikaw, na-inlove ka na, diba?" tanong niya.

Nanlabi si Sean. "Ako? Di ko maalala eh. Parang hindi pa. Pero alam mo, hanggang ngayon naaalala ko pa rin 'yong babaeng tinakbuhan ko sa engagement. Sabi niya sa'kin na mahal niya 'ko eh, pero--hindi ko talaga kaya eh--" ani Sean naman. Napabuga ito ng hangin. "Wala pa nga akong first kiss. First love pa kaya?"

"Sinungaling!" aniya dito at naghalukipkip sa harap nito. "Eh anong tawag mo doon sa nangyari sa'nyo ni Professor Ravisolli? 'Yung stolen kiss mo, huh?"

"H-hoy! Hindi counted 'yon!" anito naman na nakaturo pa sa kanya. Tumawa lang ng siya. Maya-maya nama'y bumalik na din sila sa pagtetraining. Tinuruan siya ni Sean sa basics sa paggamit ng crossbow. Para lang din itong pana pero may mga kaibahan ito--isa na doon ay kung paano ito hawakan. Pagkatapos naman nilang magtraining ay sinabihan siya ni Sean na permanentehin ang pagtakbo tuwing umaga. Matutulungan daw siya nito na pagtibayin ang stamina niya at dagdag ehersisyo na rin daw 'yon.

Umuwi na rin si Verdandi pagkatapos niyon. Kinaumagahan ay dahil nakalimutan niyang gumising ng maaga ay ginising pa siya ni Azrielle. Kahit tinatamad ay wala siyang magawa kundi gawin na lang iyon. Kaya minsan kapag may klase ay napapagod na siya kahit umaga pa lang, at nakakatulog sa desk niya. Nagka-detention tuloy siya kay Professor de Aulish nang dahil doon.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now