[9] Double Trouble Run

6.2K 321 127
                                    

EPISODE 9
Double Trouble Run

Isa-isang pinasadahan ni Verdandi ang tatlong lalaking humaharang sa dinadaanan niya.

Sa kaliwa ay isang matangkad at matipunong lalaking may buhok na tininaan ng pula. Sa angas at tindig nito ay mukha itong isang Latino hoodlum-gangster, na may kaunting bakas pa ng balbas. Isang sadistang ngiti pa ang nakaguhit sa labi nito.

Iyong isa namang may spiky hair ay halos kasingtangkad lang din ng isa. Mas maamo ang mukha nito at mukhang mas mabait, kaya lang nakangiti lang ito na parang ewan.

At sa gitna nila na nakapamulsa pa, ay isang lalaking may magulo at itim na itim na buhok. Pero nahintakutan si Verdandi nang makita ang dalawang lip ring nito sa ibabang bahagi ng labi nito; plus anim na piercings pa sa magkabilang gilid nf ilong nito. He had a sharp coal-black eyes na kung nakakamatay pa lang siguro ang titig ay baka naka-massacre na ito.

Siguro kung naging schoolmate lang nila ito noong highschool, aymaraming babae at binabae ata ang magkakandarapa sa mga 'to. Mukhang may balak ang mga itong hindi maganda. Lalo na ang lalaking nasa gitna.

Mukhang mapapatrobol silang talaga.

"K-kaizer King-Croix," ani Hapi at napaatras. Humakbang naman papalapit yung lalaking may piercings.

"Naalala mo pa yung atraso mo sa'min no'ng isang taon, huh?" Malamig na pagkakasabi ng lalaking may piercings. "Hindi kami nakakalomot, Inglesor. Pagkatapos ngayon, binangga mo pa talaga kami. Nanadya ka ba, ha? Lampa."

Tumawa naman ito at 'yung may pulang buhok na ikinainis bigla ni Dandi.

"Tingnan mo nga naman, nagkita pa tayo dito!" Naaaliw namang sabi no'ng may mapulang buhok. "Kumusta, lampa boy? Mukha yatang wala ang mga tagapagtanggol mo ngayon ah? Nasaan ba yung mayayabang mong kaibigan, ha?"

"W-wala sila dito!" Pasigaw na sabi ni Hapi. "W-wala naman kaming ginagawang masama sa inyo ah, k-kaya aalis na kami."

Hinila siya ni Hapi papaalis do'n pero hinablot naman no'ng may piercings si Hapi. "Teka muna. Humingi ka muna ng tawad, Inglesor. Una dahil sa katangahan mong banggain kami noong isang taon at dito ngayon. At pangalawa, dahil tanga ka lang talaga."

"H-hindi ko naman 'yon sinasadya na mabangga ka'yo eh." Naiiyak na depensa ni Hapi. "T-tapos nung isang taon--"

"Ansabi ko, humingi ka ng tawad."

Pero hindi pa rin tuminag si Hapi.

Bigla pa nitong kinuwelyuhan gamit ang isang kamay at tinulak papaupo.  Sa gulat at galit ni Verdandi ay napasugod siya at hinila naman si Hapi mula dito.

Di naman niya sinasadyang maitulak ng malakas ang lalaking may piercings.

"Hoy! Ano bang problema niyo, ha?!" Bulyaw niya. "Eh hindi nga namin sinasadya na mabangga kayo, diba?  Tanga ba kayo o tanga lang talaga?"

Bakas naman sa mukha ng tatlo ang pagkagulat. Lalo na ang lalaking may piercings.

"Anong sinabi mo?" Anas nito. "Ulitin mo nga."

"Uulitin ko pa talaga, ha?" Hindi na talaga mapigilan ni Dandi ang sarili. Yamot na yamot na siya. Kanina pa nga binabastos ng mga ito ang mga kaibigan niya at sinaktan pa nito si Hapi. "Aksidente nga lang ang nangyari, diba? Mag-sosorry DIN naman sana kami kanina eh, kung hindi lang kayo boglang umasta na parang mga mayayabang na siraulo."

Di naman agad sila nakasagot sa pagkagitla. Napanganga pa si guy with the red-hair.

"D-dandi, huwag mo silang--!"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now