[30.1] Bridge Between Two Worlds Part 1

5.2K 237 61
                                    

May magbabalik sa chapter na ito, haha...! Sa mga pans niya diyan (kung meron man), eto o, sinasauli ko na ulit siya. Double update din po ngayon kasi masyadong mahaba angchapter na ito, kaya hinati ko sa dalawa haha... Salamat po sa mga nagbabasa hanggang sa ngayon. At maraming-maraming salamat sa mga comments last chapter, talagang di ko po inasahan iyon. Nagulat po talaga ako hehe...labyu guys, seryoso. Kahit kinakabahan ako para chapter na ito hehe... Comment your own theories below. Kung meron man pong mga explanations na medyo mahirap, magtanong lang po kayo. Votes and comments are highly appreciated pa rin po, hehe... Siya nga pala, sa taas ay ang themesong ng chapter na ito haha! Credits to the artist, LEAH. Salamat ulit at enjoy!


EPISODE 30.1
Bridge Between Two Worlds [Part 1]

Nang maimulat ni Verdandi ang kanyang mga mata, ay nasilaw siya sa liwanag na sumalubong sa kanya. Hinarang niya ang kanyang kamay at sinubukang bumangon mula sa kinahihigaan niyang kama--ngunit dahil sa nakita niyang bandages ay natigilan siya.

Huh? Bakit meron ako nito? tanong niya sa sarili at ineksamin ang katawan. May iilang bandages pang nakabalot sa braso niya. At ang suot niya ay isang mahabang hospital gown.

Pinilit niyang alalahanin ang huling nangyari, ngunit sumakit lang ang ulo niya. Nahihilo pa rin siya sa kung anong dahilan, at ina-adjust pa rin niya ang mata sa liwanag mula sa labas ng bintana. Kinusot niya ang mata at bumangon para makasilip sa malaking bintana sa gilid ng kama niya.

"Awch--"

Natigilan naman siya nang may biglang nagsalita malapit sa kama niya. Mukha yatang may natapakan o natamaan siya sa paggalaw niya. Kunot-noo naman niyang inalis ang paa niyang mukhang nakatanday sa kung kanino...

Nanlaki ang mga mata niya. "Haaa--pi? Anong ginagawa mo dito?"

Mula sa pagkakaidlip nito sa gilid ng kama niya ay bumangon ang lalaking may pulang buhok at ngumiti ng malapad.

"Daaandi! Gising ka na!" anito at sayang-saya siyang niyakap. Tuwang-tuwa din naman niya itong niyakap kahit napapaaray siya sa sakit.

Nilayo naman niya ang lalaki at tiningnan ng maigi. Napakunot-noo naman ito.

"Hapi, i-ikaw ba talaga 'yan?" aniya na hindi makapaniwala. Kinurot niya pa ng bahagya ang magkabilang pisngi nito.

"A-aray, Dandi--masaket--" daing nito.

"ZOMG Hapi, ikaw na ngaaa!" aniya at tawa ng tawa na parang baliw. Tinaas niya ang kamay ng kaibigan at tuwang-tuwa itong niyakap ulit. Tumayo na nga sila sa kama at talon ng talon na para bang pagkatapos ng maraming taon ay ngayon lang ulit sila nagkita. "Na-miss kita, grabe! Teka. A-ano palang nangyari kay Rilley?"

Nanlabi naman ito. Ang cute talaga nito, ani Verdandi sa sarili. Ang layo kasi nito sa masungit na si Rilley.

"Si Rilley ba? Uh, kasi noong sumabog ang barriers ng arena, nawalan ako ng malay. At pag-gising ko, ako na ulit ang may control ng katawan ko!" masayang sabi nito. "Ayaw niya kasi talagang ibigay ang control sa'kin noon kahit anong pilit ko. Kailangan lang pala niyang magulat para ma-off guard siya."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now