[57.1] Beyond the Haunted Forest Part 1

3.3K 138 26
                                    

EPISODE 57.1
Beyond the Haunted Forest Part 1

Pumasok si Professor Steravnosky noong araw na 'yon na iritado. Nang makita ni Verdandi na pumasok ito sa kanilang silid ay napatakip pa siya ng mukha ng de oras. Natakot siya na baka nadiskubre na nito--o baka naaalala nito--ang nangyari. At pagalitan siya sa harap ng mga kaklase niya. O ang mas malala, parusahan siya ng matindi.

Pero laking ginhawa niya nang di man lang siya nito tingnan. Tinawag siya nito pero hindi para sabihing "bibigyan kita ng dalawang linggong detention para sa pag-aasunto na ginawa niyo sa isang propesor" kung hindi, para pasagutin lang ng tanong niya sa assignment nila. Nagbuga naman siya ng hangin sa ginhawa. Si Rummstein naman talaga ang may pakana niyon at hindi siya. Pero madadamay pa rin siya kung sakali.

Natapos naman ang klase nila nang matiwasay.

Nagliligpit ng gamit si Verdandi nang lapitan siya ni Hapi.

"V-verdandi," anito sa kanya. Masigla naman niya itong nilingon. Kinakalikot nito ang mga daliri at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Napakunot naman ang noo ni Verdandi. "M-may sasabihin lang sana ako."

Ngunit bago pa nito maibuka ulit ang bibig nito ay lumapit si Osiris.

Napasinghap naman si Hapi.

"Verdandi, may nakita akong baka makatulong sa paghahanap natin," ani Osiris sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang isang kupasing libro.

"Sige, salamat," ani Verdandi naman. Binalingan niya ulit si isa pang kaibigan. "Hapi?"

"A-ah--" Namutla ito at napaatras. "S-sa susunod na lang. Mukhang may gagawin ka pa eh. P-pero, umuwi ka na lang ng maaga mamaya sa dorms. Sige, aalis na ako."

Iyon lang at kumaripas na ng takbo si Hapi.

"Anong nangyari do'n?" tanong naman ni Verdandi kay Osiris kahit alam niyang wala din itong ideya kagaya niya. Tulad ng inaasahan ay nagkibit-balikat lang din ito.

Dumiretso sila sa gazebo na palagi nilang tinatambayan. Pagkarating nila doon ay umupo sila sa bangko at binuksan ni Verdandi ang libro.

"Tungkol saan 'to?" usisa naman niya kay Osiris. "Ang luma na nito ah. Parang ilang daang taon na rin ang librong ito."

"Lumang kasaysayan," simpleng tugon lang nito. Tumango lang si Verdandi at sinimulang basahin ang unang pahina ng aklat.

"'Annals of Kings and Queens?" aniya na may halong pagtataka. "Anong--koneksyon nito sa Forbidden Tower?"

"Tingnan mo lang. Hanapin mo ang tungkol sa Academy," anito.

"M-may tungkol sa Academy dito?" aniya na hindi makapaniwala. Pinaltik naman niya ang mga pahina ng libro. Naroon nga ang mga impormasyon tungkol sa mga naging hari at reyna ng mga kaharian ng Atlantis.

"Hanapin mo ang pahina tungkol sa mga naging hari at reyna ng Middle Winter Age," anito sa kanya. Mas lumapit ito ng kaunti sa kanya, at kahit bahagyang nakadama ng hiya si Verdandi sa pagkakalapit nila ng lalaki ay pilit niyang 'wag aalahanin 'yon.

"Great Winter Age? 'Yon ba 'yong--equivalent ng medieval ages dito sa Atlantis?" aniya. Tumango naman si Osiris. Nagpatuloy siya sa paghahanap sa sinasabi ni Osiris. Habang ini-scan niya ang mga pahina ay dumaan sa mga mata niya ang mga pangalang Arthuraine King-Croix, Gevenarn Romagna, Saruman King-Croix XVI, Derraden Starkormir IX, Queen Ashevais Inglesor I... Kasintanda yata ng realm ang apelyido ng mga mahaharlikang kaklase niya. Tumigil din siya sa isa sa mga huling pahina ng libro kung saan nakalagay ang pangalan ni Queen Agatha Inglesor, the Benevolent. Sa ilalim ng pangalan nito ay ang larawan ng Queen. Nasa itsura nito ang pagiging strikta ngunit mabait, at agad naalala ni Verdandi ang lola ni Hapi.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن