[12] Atlantis, At Last!

6.7K 312 66
                                    

The magic begins here now. Brace yourselves! Haha joke lang. Tagal nila makarating, grabe. Sorry na. Pero eto na talaga! Haha!

EPISODE 12
Atlantis , At Last!

"Verdandi, bangon na! Biliiis!" Isang boses ang tumatawag sa kanya sa labas na nagpagising sa kanya.

"Opo, Nay. Andiyan na po," sabi naman niya na bumangon ng di pa nakadilat ang mata. Kahit ang weird ng panaginip niya kagabi, ay gustong-gusto niya pa rin ito. May mga halimaw na kalahating babae at kalahating squid, mala-Pokemon na isda, mga taong may special abilities, magic, isang salbaheng lalaking mukhang metalhead, isang lalaking kamukha ni Niccolo. Magic, professors, legendary creatures, may Bermuda triangle pa nga eh. Mga taong nagngangalang Sean, Dardy, Hapi at Azrielle.

At higit sa lahat ay tinulungan daw siya ng tatay niya na makahabol sa London. Kaya lang namali siya ng sinakyang barko na papuntang Atlantis.

Weird. Pero masaya.

"Dandi!" Boses ng isang lalaki.

"Andiyan na nga," aniya. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad niya palabas ng silid, ay napadilat siya ng mata.

Teka lang, aniya sa sarili, wag mong sabihing--?

Excited at nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at nakita niya ulit ang salas ng cabin. Nakita niya din si Azrielle na naghahanda ng pagkain, at si Dardy na parang may binabasang diyaryo at mga liham.

"Good morning Dandi," nakangiting bati ni Dardy.

"K-kayo pala," aniya na namamangha pa rin. "So lahat ng 'yon--?"

"Totoo. Bakit, wag mong sabihing akala mo panaginip lang 'yon lahat?" sabi naman ni Azrielle. Nakangiti ito. "Gising na dahil ilang oras na lang at dadating na tayo sa Atlantis!"

"Talaga?" sabi niya.

"Oo naman, magsasight-seeing pa tayo. Marami kang dapat makita mamaya!" ani Azrielle naman. "Kain ka na."

"Sina Sean at Hapi, nasaan?" tanong niya naman.

"Hindi mo ba nakita?" Sagot naman ni Azrielle. "Naglalaway pa do'n sa loob ng kwarto. Napagod ata kagabi sa ginamit niya ng matinding psychus."

"Sinong napapagod? Uh-uh, not me." Singit naman ng boses ni Sean sa likod niya. "Good morning, Verdandi darling."

Kumindat pa ito sa kanya at sinuklay ang magulo nitong buhok gamit ang isang kamay. Sumagot naman din siya ng, "morning". Never mind na lang ang darling. Hay.

Maya-maya ay nagising na din si Hapi at masaya silang binati nito. Simula kagabi ay parang nag-improve na ang mood nito dahil sa assurance na mahahatid din mamaya sa pier ang mga gamit nito. At mula nang magising si Verdandi nang umagang 'yon ay tinatanggap na na niya paunti-unti na kapalaran niya. Kahit na puno ng tanong at pangamba ang isipan niya ay nagawa din naman niyang matulog ng mahimbing kagabi dahil sa pagod at lamig.

Umupo na rin siya sa mesa at kumuha na ng tinapay at kape. Kung inakala ni Verdandi na regular lang ang pagkaing 'yon ay nagkakamali na naman siya. Pagkatapos nilang kumain ay tinanong niya si Sean kung bakit ang sarap ng kape.

Ngumiti naman ito at sinabing: "Ah, gawa kasi sa dumi ng Dragonicca--hayop 'yun na mukhang pinaghalong pusa at dragon--ang kape na 'yun.  Kaya masarap."

Napalunok siya. Kaya naman pala may muddy, chocolatey texture ang kapeng 'yon.

At mula noon ay mas nag-ingat na si Verdandi sa pagtikim ng pagkain.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon