[82] Entering the Gates of Hell

1.9K 125 65
                                    

Hi guys! Salamat sa pagbabasa at paghihintay ng updates hanggang sa ngayon pati na sa mga nakakatuwa niyong comments. Medyo may ginagawa lang talaga ako lately kaya hindi ako nakakapag-update talaga ng mas madalas. Pasensya na ulit. Video sa taas pang background music, i-play niyo especially sa bandang last part nito! Thanks ulit and hope you enjoy!

EPISODE 82
Entering the Gates of Hell

Sandali namang natahimik ang mga doon sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Steravnosky.

Binigay naman ni Verdandi ang ancient history book sa kanila at binuksan 'yon sa pahina kung saan niya nabasa ang tungkol doon. Binasa naman nila ito.

"Magiging masyado ng makapangyarihan ang palasyo ni Kastamerr sa araw ng Minorria. At maaaring kaya na nitong gawin ang kahit na ano," ani Verdandi. "Kapag nangyari 'yon, pwedeng wala na tayong takas sa oras na 'yon."

"Kung ganoon, bukas nakatakda ang sacrificial rite para sa mga deities," ani Azrielle naman. "Wow. Di ko inakalang last day ko na pala ngayon sa mundo."
"'Wag mong sabihin 'yan," ani Dardy naman. "Bukas pa 'yon. Last-last day mo ngayon."

"Eh? Sana pala binanatan ko na ang pag-inom ko kagabi," ani Rummstein naman. Tiningnan naman nila Verdandi at ng mga professors na para bang naiinis. "Nagbibiruan lang kami kasi sa totoo lang natatakot kami, intindihin niyo naman kami o."

Umiling na lang si Steravnosky at muling nagsalita. "Oh well. Hindi rin naman tayo makakapagtago dito ng matagal," sabi nito. "We should've expected that brief peace won't last long lalo na't tatlo na sa mga vascilluxes na nasa listahan ay wala na sa mapa."

Tumayo naman si Osiris. "Kung ganoon, magsimula na tayong maghanda."

Napatingin naman si Verdandi dito na naguguluhan. "Maghahanda para sa alin?"

Dumiretso naman ito sa locked cabinet kung nasaan nakatago ang armas nito na isang malaking swordblade. "Sa labanan. Ano pa ba?" anito naman. "Ikaw na mismo ang may sabi, wala na tayong dapat sayangin pang oras."

Nakita naman niya ang mapait ngunit determinadong ngiti nito. Nagulat naman siya nang pati ang iba pa--maging ang mga professors--ay isa-isa ng tumalikod para maghanda na rin.

"Teka lang--sabi ko oo dapat ngayong araw natin sila iligtas, pero parang masyado pa yatang maaga ngayon no? Kakakain pa lang natin ng agahan. Seryoso?" aniya naman na natatawang itinaas ang kamay. Pero mukhang masyado ng abala ang mga ito para pakinggan pa siya. Nagkibit-balikat na lang siya.

"Babalik tayo sa armory para kumuha ng armas," sabi naman ni Steravnosky. "Medyo malay-layo 'yon since nasa isang dungeon 'yon pero--"

"Hindi na kailangan," sabi naman ni Azrielle na walang kahirap-hirap na dinala ang isang malaking baul at inilagay sa harap nila. Ngumiti ito. Gaano ba kalakas ang babaeng ito? "Makikita niyo diyan sa loob ang iba't-ibang klaseng high-grade na armas. Kahit ano pang trip niyong gamitin, meron diyan."

Binuksan naman 'yon nina Rummstein at Dardy. Napasinghap nga sila sa pagkamangha. Sari-saring armas ang nakasiksik sa baul na 'yon: mula sa espada, war hammer, flail weapon, nagaika, nunchoku, mace, lance, club weapon, baton, long sword, short sword, bow and arrow, spear, dirk, machete, battle axe, crossbow, raipier, halberd, dagger, apee, sabre, partisan, stilleto, pati na cannon, mga baril, rifle, at iba pa.

"Morrigan," seryosong sabi naman ni Steravnosky.

"Pasensya na po talaga pero alam ko hindi naman talaga ako dapat nagtatago ng mga ganyang klase ng armas, professor," anito. Lumapit ito kay Steravnosky at bumulong. "Pero kung secret mo 'yung mga personal archives sa office mo, secret ko rin 'tong personal armory ko. Quits?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt