[51] Fight or Flight

3.9K 163 13
                                    

EPISODE 50
Fight or Flight

Mas lalong dumalang ang paglalagi ni Azrielle kasama ang mga kaibigan nito. Kahit papaano ay nababahala din si Verdandi at baka dahil iyon sa nangyari sa kanila roon sa training room. Pero ganoon pa rin ang sinasabi ni Hapi na naroroon pa rin ito sa Administration's Building para tapusin ang exam nito para maging First Class Student, Rank A.

Nagsimula na rin sa wakas ang First Trimester Exams nila Verdandi. Kadalasan sa mga exams ay written kaya doble ang pag-aaral na ginawa niya para makahabol. Nagkaroon naman sila ng practical exams sa Alchemy at Combat and Defense Arts. Sa tulong na rin ng special training niya kasama si Azrielle at Professor Ruvia ay sa kabutihang palad, naipasa naman ni Verdandi ang pagsusulit niya.

Ang tanging natitira na lang para tuluyan niyang maipasa ang subject niya ngayong trimester ay matapos niya ang requirement at tanggapin na rin siya ni Azrielle bilang apprentice--sa pamamagitan ng paghuli kay Caramel.

Isang umaga ng Sabado ay maagang nagising si Verdandi para simulan ulit ang panibagong araw ng paghahanap kay Caramel. Naghilamos siya sa banyo at nagsipilyo, pagkatapos ay lumabas na. Tiningnan niya ang mga natutulog na kaklase at napansin niyang parehong nakatupi ng maayos ang mga pinaghigaan nina Azrielle at Syberria. Maaga na naman sigurong umalis si Azrielle para sa kung ano mang ginagawa nito. Samantalang sina Ghost Girl at Emi ay tulog na tulog pa rin sa kama nito.

Pumunta si Verdandi sa sariling kama at lumuhod sa harap ng kanyang sariling mesa. Yumuko siya at kinuha mula roon ang basket na pinaglagyan niya sa baby dragon.

"Good morning--er--" aniya na napangiti ng konti dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naibibigay na pangalan dito. Bumuga naman ng kaunting usok ang baby dragon na para bang sinasagot nito ang pagbati niya. Dinilat nito ang mga mata at bumangon ng kaunti ngunit natumba pa rin ito at napahiga sa tela.

"'Wag mo na kasing pilitin," natatawang sabi naman niya dito. Sinundot niya ng konti ang tiyan nito at gumulong naman ang baby dragon at tinapunan siya nito ng tingin na parang naiinis. Natawa siya ng malakas sa kinikilos nito. "Ang suplado mo naman, nagmana ka siguro do'n sa pulang dragon, nu? Nanay mo ba 'yun o tatay?"

Bumangon ng kaunti ang dragon sa hinihigaan nito at sa ikailang pagkakataon ay sinubukan nitong lumipad. Pinagaspas nito ang maliliit nitong mga pakpak ngunit di rin nito nagawa. Nagmamaktol itong muling gumulong sa hinihigaan nito. Kinuha naman ni Verdandi ang basket at ipinatong sa ibabaw ng kanyang kama.

"Diyan ka lang at kukuhanan kita ng pagkain," aniya naman dito. Bumuga ito ng steam bilang pagsang-ayon.

Kumuha naman siya sa pantry ng tinapay, keso, bacon at gatas saka siya bumalik sa kanyang kama. Umupo naman siya sa sariling kama sa tabi ng baby dragon. Nang makita naman nito ang mga dala-dala niyang pagkain ay tumayo naman ito mula sa paggulong-gulong at naglakad papalapit sa kanya.

"Good boy," aniya naman dito at nilapag sa ibabaw ng kama ang bowl ng gatas. Lumapit naman ito saka uminom mula roon. Ngumiti naman si Verdandi dito saka niya pinalamanan ang tinapay ng keso at bacon. Tahimik naman siyang kumakain habang iniinom ng baby dragon niya ang gatas sa bowl. Tumingala naman ito sa kanya at bumuga ng kaunting steam saka sinulyapan ang hawak-hawak niyang bacon.

"Gusto mo?" tanong niya rito. Muli namang bumuga ang baby dragon at kahit nag-aalinlangan kung pwede na ba itong kumain ng karne ay binigyan na lang niya ito. Matakaw naman nitong tinalon ang hinagis niyang bacon saka nilapa iyon sa kama niya. Inobserbahan naman niya ito hanggang sa maubos nito ang bacon at muling tumingala sa kanya, na bumubuga ng steam. Napailing na lang si Verdandi sa katakawan nito sa pagkain. Mukhang mauubos pa ang natitira niyang allowance sa pag-aalaga nito.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Where stories live. Discover now