Kamukha

3.8K 61 2
                                    


This happened when I was in 3rd year college, 2014. For me, it was a typical day and my daily routine is pagkagising magre-ready for duty as part of our OJT na din. But one day, gumising ako ng 2:30am kasi 5:00am duty ko. Patapos na ako magkape ng biglang pumasok sa cr ang ate ko, so naghintay ako pero after 20mins hindi pa din sya lumalabas so medyo sumigaw na ako sabi ko male-late na ako, biglang sumigaw ate ko galing sa kwarto sabi nya wala naman daw sya sa cr. Pagbukas ko ng pinto tumayo balahibo ko kasi wala ngang tao. So sabi ko sa sarili ko baka namalikmata lang ako kasi nga kakagising ko lang.

Akala ko last na yun. Pagdating ko sa hospital syempre madilim pa nagulat ako kasi nakasalubong ko yung tatay at kapatid ng tropa kong si James (not his real name), I smiled at them pero parang hindi nila ko nakita. Out of curiosity tinawagan ko si James, sabi nya imposible daw yun kasi katabi nya matulog tatay at kapatid nya. I told him na naka-white na sando tatay nya at naka-blue na shirt kapatid nya and bigla syang napamura! Paano ko daw nalaman suot nila. That time na-realized ko na may mali nga.

Last subject na namin, so sa 6th floor ng hospital yung room namin. Since medyo maaga pa naman kaya nakatambay kami sa corridor. Nakita ko na pumasok na yung prof namin kaya niyaya ko na mga classmates ko. Natatawa sila kasi wala naman daw silang nakitang pumasok. Ayun nagbida-bida ako pumasok ako sa room wala ngang tao. Tapos nung lalabas na ako hindi ko mabuksan yung pinto so medyo nag-panic na ako at naglapitan na yung mga classmates ko at nagtaka sila paano ako nakapasok e naka-locked yun tapos nasa prof ko yung susi. Dumating agad yung utility kaya nakalabas ako. Hindi ko na kinuwento sa mga classmates ko ang nangyari para hindi sila matakot. Marami pa akong creepy experiences abangan nyo nalang dito.

-Mr. PennyWise the Dancing Clown

Scary Stories 4Where stories live. Discover now