#SMASP 39: Justine Torpe

7.3K 386 59
                                    


Dalawang linggo pa ang lumipas at may pasok na ulit sa skwela sila John Paul. Isang linggo na silang napasok at madalang na lang kaming magkita. Minsan hindi pa. Kahit text ay madalang maging sa chat sa facebook. Siguro nga ay masyadong busy ang isang iyon kaya ako naman ay nag-focus na lang sa pagtatrabaho.

"Kumusta naman kayo ni John Paul?" Tanong ni Terrence. Magkabuddy kami ngayon.

"Ayos lang. Busy yon sa school niya eh. Alam mo na. Nung isang linggo pa sila nagpasukan diba?"

"Eh si Kenjie? Kumusta na?" Tanong ulit nito. Ang taray ni Bakla. Daig pa nagawa ng survey.

"Ewan ko rin kung nakabalik na yun ng bansa. Huling nagkausap kami uuwi daw siya bago magpasukan eh. Eh hindi pa naman nagpaparamdam hanggang ngayon."

"Tarayyy. Eh kumusta na kayo ni Mickey? Pansin lang namin ha. Parang may something sa inyo. Sa mga tinginan niyo. Ganern." Dagdag pa nito.

"Bakla ka. Ano. Lahat ng lalaking nakapaligid sa akin kukumustahin mo? Hahaha. Kaloka ka!"

"Hahaha. Ayun na nga kasi. Lahat na lang sayo nakapaligid. Pano naman kami ni Lito. Bigyan mo naman kami kahit isa. Hahahaha."

"Tse. Hahahaha. Walang sayo Nicole! Akin lang sila lahat!"Pag iinarte ko.

"Hahaha. Pokpok!" Natatawang sabi niya. Baklang to!

"Si John Paul. Hindi na napunta dito."

"Eh baka busy nga sa school diba?" Sagot ko naman.

"Nako baka may Jowa na yun te! Iniwan ka na! Hahaha."

Hindi na ako nakasagot sa sinabing iyon ni Terrence. Pano nga kaya kung may girlfriend yun? Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko.

Syempre kung magkaka-girlfriend na siya ay doon na matutuon ang kanyang atensyon. Paano na ko? Nganga na? Ngayon pang nasanay na ako na laging anjan ang kumag na yon. Kahit na lagi niya akong iniinis.

Naiinis ako kung bakit hindi ko masabi na mahal ko na siya. Paano ko pa sasabihin kung may girlfriend na siya?

Baka makasira lang ako ng relasyon. Hindi ko maiwasang mag isip. Siguro nga may girlfriend na yun. Kaya pala minsan na lang kaming magkausap. Kaya pala hindi na niya ako sinusundo. Kaya pala halos dalawang linggo na kaming walang komunikasyon.

Kaya pala. Kasi may girlfriend na siya. And it hurts. Kahit na hindi pa ako sigurado kung meron nga. Iniisip ko pa lang na may girlfriend na siya eh nasasaktan na ako.

Hayyys. Sabagay. Lalaki siya at bakla ako. Una pa lang hindi naman talaga kami ang nararapat. Natural lang na sa babae siya pumatol dahil lalaki siya.

Pero kasi hindi ko maiwasang umasa na gusto niya rin ako. Sa mga efforts na ginagawa niya sakin. Sa paghatid at pagsundo niya. Diba? Walang lalaking gagawa nun kung wala siyang nararamdaman sa isang tao. Haayyyyy. Pinaasa lang ba ako? Umaasa kasi ako eh.

Natapos na lang ang buong duty ko kakaisip sa mga bagay bagay. Sa mga susunod na mangyayari. Na magkaka gorlfriend na nga si John Paul. Mawawala na ba talaga siya sakin?

Ewan ko ba kung bakit masyado akong advance mag-isip. Wala pa nga eh naiisip ko na lahat ng posibleng manyari. At nai-stress ako dahil dun!

Ayoko man isipin pero may tsansa. Hindi pwedeng masaktan ako ng sobra kung sakaling magka girlfriend siya. Kelangang ihanda ko na ang sarili ko. Hayyssss. Pano kaya ito? Magmo move on ako kaagad? Hahahaha. Basta. Hindi pwedeng madurog ako ng ganun ganun na lang. Ayoko talaga. I can't afford!

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now