#SMASP 84: Finale

8.2K 453 110
                                    

Eto lang po ang nakayanan ko. HAHAHA. Enjoy Reading. Please do post your comments po. Binabasa at naappreciate ko po iyan. Maraming salamat. :D

---

"Ano ba!" Pakemeng sabi ko sabay hampas sa braso. Ang hirap magpanggap na hindi kinikilig. Ikaw ba naman halikan sa pisngi. "Lasing ka na ba! Ang gaslaw mo ha!"

"Sus! Ang arte naman nito! Pag ikaw jan yumayakap sa akin hindi ako nagrereklamo ha!" Sabi nito saka tumungga. Ang sungit na naman niya.

"Eh bakit!" Sabi ko. Kinikilig ako. Sa pagkakaalam ko ay unang beses niya lang akong hinalikan nang kusa. Last time kasi ay inudyukan pa kami ng maraming tao. Haha.

"Eh bakit din!!! Sino ba ang boss?" Sabi nito saka hinalikan ulit ako. Hahalikan pa sana ako pero bigla na lang siyang napabaling kay Terrence.

"Hoyyy ang iingay niyong dalawaaaa!!!!" Pagsuway ni bakla. Mabuti na lang at sumingit siya sa usapan. Nagtigil tuloy si John Paul.

"Basa nga yung kiss mo eh!!! Kadiri ka!"

"Ang arte naman nito. Beer naman yon! Hindi yun laway!" Kunot noong sabi niya.

"Kahit na! Nyiii. Kadiri!" Sabi kong nanginginig nginig pa. Hahaha.

"AYUN OHHHH!!!" sigaw ng mga kasama namin habang nakaturo sa direksyon namin ni John Paul. Sabay tuloy kaming napalingon.

"Hi John Paul!" Pagbati ng bakla. Agad akong napatingin sa Unggoy na katabi ko.

"Hello." Sabi ni John Paul saka ngumiti.

"Sino siya?" Tanong ko.

"Hindi ko yan kilala. Baka may gusto sa akin." Sagot niya saka ngumisi. Ngising naghihintay ng reaksiyon ko.

"Paktayyy ka! HAHAHAHAHAHAHA. Go Tine!" Bulalas ni Mickey. Naalala ko tuloy kung paano ko inilampaso si Karen noon. Jusko. Ayaw ko nang balikan yun! Hahaha.

"Baket?" Mataray na tanong ko. Nakataas pa ang kanang kilay.

"Wala lang! Kukunin ko lang yung number niya. Hehehe." Malakas pa ang pagkakasabi niya. Maingay kasi, ang lakas ng sounds.

"Nako po... Patay tayo jan. Hindi pwede, may magagalit." Sabi ni John Paul saka inilapag ang basong hawak.

"FB na lang. Hehehe. Dali na. Lagi naman ako nakain sa KFC!"

"Hindi nga pwede te. Go na. Hanap ka na lang iba. Hehehe. Bye." Sabi ko saka lumingon sa katabing table. Lalandiin pa ang Junggoy ko! Nako ha!

"Girls! Kasama niyo ba to? Nanggugulo dito eh!" Pagtawag pansin ko sa mga bakla sa kabilang table. Agad namang tumayo ang isa at naglakad palapit sa kasama nila.

"Bakla ka! Hahaha. Sorry po. Pasensya na." Sabi ng kasama nito saka hinatak na pabalik ang kasama nilang naaura sa bebe ko.

"Yieee. Selos siya dun. Hahaha. Di ko naman yun kilala. Hahaha. Saka kahit maganda yun. Syempre mas maganda ka." Nakangiting sabi ni John Paul saka umakbay sa akin.

"Maganda naman talaga ako no." Sabi ko saka inipit sa tenga ang maiksi kong buhok.

"Bagay sayo yang lipstick mo talaga." Nakangiting sabi niya habang nakatitig sa labi ko saka kumindat. Lasing na ata to eh.

"Gusto mo ba? Lagyan kita. Hahahaha." Natatawang sabi ko para itago kahit papaano ang kilig.

"Baliw. Kantahan mo ko mamaya ha." Sabi niya saka ngumiti na naman. Pansin ko lang, yung ngiti niya. Hindi na naalis. Siguro naka-batak siya kanina.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now