#SMASP 26: Sweet Kenjie

8.8K 417 6
                                    

"Hi Miss Beautiful! I've been waiting for you. Kumusta?" Pagbati agad ni Kenjie pagkababa pa lang ng bintana.

"Uyyy! Ikaw pala yan. Ayos lang. Kapagod. Daming tao eh." Simple kong sagot.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Siya naman ay pinaandar ang sasakyan ng marahan para makasabay sa amin. Si Ma'am Aya at Ivy ay lumiko sa may mini stop. Mauna na daw kami.

"Bat mo inaantay si Justine?" Tanong ni Terrence. Mabuti at naisipan niyang tanungin. Nahihiya kasi akong itanong eh.

"Gusto ko lang. Hehehe." Simple niyang sagot saka ngumiti.

"Ganda talaga ni bakla oh. Jackpot!" Pag entra ni Lito.

"Justine! Hatid na kita sa inyo. Okay lang ba?" Nagulat ako sa tanong niya. Pero mas nagulat ata si Terrence.

"Haaaaa?" Tanong ni Bakla.

"Si Justine! Hindi ikaw." Lito.

"Hindi, baka lang kasi nabibingi lang ako sa narinig ko eh. Hahaha."

"Oh Tine! Ihahatid ka na daw. Sagot aba! Naghihintay si Pogi oh." Lito.

"Ha? Naku wag na! Okay lang, kaya ko naman umuwi. Hahaha. Diba John Paul!?"

Ewan ko ba kung bakit biglang si John Paul ang nakalabit ko.  Kainis. Siya kasi ang kasabay kong maglakad eh, nasa likod namin ang dalawang bakla.

"Ha? Ewan ko sayo! Sabi mo kanina dun ka matutulog ulit sa room ko." Sabi nito sabay kindat sa akin.

"Haaaaaaaa?" Literal na napanganga na lang ako. Wala naman akong natatandaang sinabi ko yun ah.

"Ano? Tama ba narinig ko?" Takang tanong ni Terrence. Lagi na lang agaw eksena to si Bakla. Hahaha.

"Bakla ang bingi mo ngayon!" Sabi ni Lito kay Terrence. "Kanina ka pa ah."

"Ayyy ganun ba! Sayang naman. Hatid na sana kita eh. Sige! Oh ito oh. Para sayo! Hehehe."

Sabi nito sabay abot sakin ng isang red rose. "Advance Happy Valentines day!"

"Haaaa??? Sa-Salamat...." Maiksi kong sagot. Letse. Napasulyap na lang ako sa katabi kong si John Paul na patay malisya. Hay nako. May kasalanan ka pa sakin. Mamaya ka saking unggoy ka!

Ano bang nangyayari sakin. Parang wala ata ako sa sarili ko ngayon. Para lang akong lumulutang sa kawalan.

"Text text na lang tayo ahh. Ingat kayo. Una na ko. Bye guys!" Paalam nito. "Bye Justine. Ingat ka." Sabi nito sakin saka kumindat. Lagi na lang may kasamang kindat? Hindi kaya may sakit siya? Hahaha.

"Sige! Ba-bye! Ingat. Salamat ulit dito ha. Ingat ka." Sabi ko na sinagot niya naman ng isang simpleng ngiti.

"Sige." Pagkasabi nun ay pinaharurot na niya ang kanyang kotse at di nagtagal ay naglaho na siya sa paningin namin.

"Girl! Mukhang inlababo ata sa taglay mong ganda si pogi ah." Terrence.

"Siyang tunay! Isang napakagwapong adan ang nabighani sa karikitang taglay ng ate mo Justine." Parang tangang sabi ni Lito. Naging makata bigla.

"Totoo. Ayun nga at may pulang rosas pang inialay." Segunda naman ni Terrence.

"Anyways, ano yung sinabi ni John Paul kanina na sa kanya ka ulit matutulog? Kayo ha!" Nako naalala ko na naman. Salamat kay Lito.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon