#SMASP 21: Pangarap Ko Ang Ibigin Ka

8K 447 11
                                    

(A/N: Please play niyo na lang po ang pangarap ko ibigin ka habang binabasa ito version ko po yan. Charot. Hindi ko alam kung paano ina-narrate yung eksena habang nakanta si Justine. Sana magustuhan niyo at kahit papano'y kiligin. Hehehe.)

----

[Justine]





Shocks, yung kaba ko, nawala na, napalitan na ng hilo. Ang ganda ng pagkakatugtog ng banda. Pulidong pulido ang bawat pagkalabit sa gitara. Swabeng swabe ang panimula ng awitin.

Tuwing ikaw ay nariyan

Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya.

"Sh*t! Nice!" - Narinig kong bulong ni John Paul sa pagbigkas ko ng unang parte ng awitin. Wala pa nga eh, nag-uumpisa pa lang may comment na agad siya.

Naririnig ko ang sigaw at sipol ng mga nanonood pero hindi ko sila nakikita. Nakapikit pa rin ako. Nahihilo kasi ako. Pero alam kong kaya ko namang kantahin. Ganito pa rin ang posisyon namin ni John Paul. Magkahawak kamay habang nakasandal ako sa dibdib nya. Lakas maka-Regine. Hahaha. Hayaan na. May excuse naman ako. Lasing ako't nahihilo. Hahaha.

Ang iyong tinig wari ko'y di marinig

Pagkat namamangha pag kausap ka.

Kaya nais kong malaman mo

Ini-angat ko ang ulo ko sa pagkakasandal at tiningnan siya sa mata. Sabay bagksak ng huling linya bago mag-koro. Para bang literal na sinasabi ko kay John Paul ang bawat linya ng awitin.

Ang sinisigaw nitong aking puso....

Hinabaan ko yung word na "puso" sabay pasimpleng senyas sa banda na huminto sa pagtugtog. Gusto ko acapella ang chorus para talagang maramdaman ni John Paul. Hahaha. Ewan ko lang kung di yan kiligin!

Nakuha naman ng naggigitara ang gusto kong iparating at huminto ito sa pagtugtog.

*Hinga malalim, smile, tingin kay John Paul, dug-dug-dug-dug, tingin sa baba, sabay tingin kay John Paul, mata sa mata. Ang bango nya.*

Parang huminto ang oras. Pati ang audience ay tahimik at nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.

Katahimikan ang bumalot sa kanina ay napakaingay na bar na ito. Naghihintay ang mga tao sa pagkanta ko ng chorus.

"Dug-dug-dug-dug, hinga malalim, eye to eye sabay bigkas."

Pangarap ko ang ibigin ka

"Shit ka Tine! Kinikilabutan ako sayo!" Ewan ko ba? Shit daw ako? Hahaha. Pero tinawag niya akong Tine. Ngayon lang ata niya ako tinawag sa palayaw ko. Saka ang sexy ng pagkakasabi niya.

At sa habang panahon ikaw ay makasama

Pumapaibabaw ang boses ko. Nag-eecho. Ang ganda ng mikropono. Rinig pati paghinga ko. Hindi ako bumibitaw sa pakikipagtitigan kay John Paul. Kala nya ah. Hindi man lang siya matinag. Hindi naman siya lasing pero bakit ang lakas ng loob niya. Ang lakas ng loob niyang makipagtitigan sa akin.

Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito

Pangarap ko ang ibigin ka.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now