#SMASP 65: Away Bati

6.3K 396 92
                                    

Ohhh. Vote muna bago basa. Ito pa lang po sa ngayon. Saka na po ang POV ni John Paul. Darating din tayo jan. Hahaha. Sorry na guys. Labyowwww. Sorry na kung pinaasa ko kayo kagabi. Pwede niyo po akong isumpa. Hahaha. Chareng lang. (Baka isumpa nga ako. Hahaha.) Babawi talaga ako sa next chapter. Enjoy reading.


---


[JUSTINE]



"Anong hinatid? Ia-unblock mo nga ko sa messenger!" Text sakin ni John Paul pagkapasok ko pa lang ng gate.

"Tse! Sige na! Baka nakakaabala ako sa inyo."

"Parang tanga to! Pest control ngayon kaya di pa ko nakakauwi. Sige na, iunblock mo na ako. Pauwi na ako."

"Saka na lang, tinotopak na naman ako ngayon. Matutulog na ko."

"Ewan ko sayo! Sige na, bukas na tayo mag-usap. Nagdadrive ako. I-unblock mo yan kundi yari ka sakin, tingnan mo."

Hindi ko na nireplyan. Haysss. Mamaya ko na lang ia-unblock pag di na ko galit. Kainis.

"Nagseselos. Hahahahaha." Text niya pa sakin. Pang-asar si gago. Nakakabwisit.



---


"Ang ganda naman talaga." Pagbati sakin ni Mickey pagkapasok ko pa lang ng crew room.

"Sabi nga daw. Hahaha." Sagot ko.

"Kumusta ka naman Justine?"

"Hahaha. Ayos lang. Maganda pa rin at lalong gumaganda. Hahahaha."

"Naks. Parang happy? Kumusta naman kayo ni John Paul?"

"Hahaha. Nako wag mo ngang mabanggit yang pangalan na yan. Maganda lang ang gising ko ngayong umaga. Hahaha."

"Bakit?" Tanong niya.

"Anong bakit? Hahaha. Basta. Ikaw ang kumusta? Nakita ka namin kahapon ah. Aura ka ah. Haha."

"Ako?" Sagot niya saka tumingin sa bandang taas ang mata. Iniisip niya siguro kung anong meron kahapon.

"Hahaha. Pinsan ko yun! Sinamahan ko lang mamili ng gamit kasi babalik na sa ibang bansa. Hahaha." Paliwanag niya.

"Ahhh. Kala ko naman girlfriend mo na eh. Hahaha."

"Hindi ah. Dapat tinawag niyo ko. Sana pinakilala ko sa inyo. Lagi nga kita kinikwento dun! Sabi ko ang ganda ganda mo. Hahaha." Sabi nito habang sinusuot ang bull cap niya.

"Hahaha. Sus nambola pa! Tara na! Late na tayo!" Sabi ko saka hinila na siya palabas ng crew room.


---


"Magkaaway na naman kayo ni John Paul?" Tanong niya.


Wala naman gaanong tao. Opening kami ngayon kaya nakakapagkwentuhan kahit papano.


"Hindi naman. Hahaha."

"Ano nga? Ayaw pa sabihin eh."

"Hindi nga kami okay ngayon."

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora