#SMASP 20: A Song For You

8.3K 456 10
                                    

Vote muna please. Salamat po. Enjoy reading. :)





[JOHN PAUL]



Letse tong Justine na to eh. Pumayag ba naman na paakyatin ako dito para kumanta. Hindi pa naman ako prepared. Tsk! Humanda talaga sakin ang baklang iyon! Hayyy, ano pa nga bang magagawa ko, andito na ko sa stage habang pinapunuod ng lahat ng mga customers. Hayaan na nga.

Ewan ko ba kung bakit ito ang napili kong kanta. Basta bahala na. Pogi naman ako eh! Tingnan ko lang kung hindi maglaglagan ang panty ng mga girls and gays dito. Pati yang panty ni Justine laglag yan! Hahaha. Akala naman niya hindi ko tototohanin yung sinabi kong humanda siya sa akin.

"Ayieeee!!! Galingan mo kuya ah. Favorite namin yan. Hahaha."-Sabi ng baklang host.

"Sure! Music Please!" Sagot kong kunwari ay nagyayabang pero kinakabahan naman deep inside. Bahala na. Nagsisimula ng tumugtog ang intro. Pipikit na lang ako.

There are times
When I just want to look at your face

Unang bigkas ko sa umpisa ng kanta. Nahihiya talaga ako kaya't medyo nanginginig pa ang boses. Ang mga girls naman ay panay ang tilian. Aba! Sa pogi kong ito ay dapat lang no. Hehehe. Yabang!

With the stars in the night
There are times

Kaway-kaway habang kumakanta, nakita ko pa ang baklang Justine na panay ang chika kay Gino kaya naka-isip ako ng paraan para naman makaganti sa baklang iyon. Hahaha. Tingnan ko lang.

When I just want to feel your embrace
In the cold of the night

Habang busy si Justine sa pakikipagdaldalan ay naglakad ako papunta sa kinauupuan nila habang kumakanta. Mabuti na lang talaga at wireless ang mikropono dito. Halatang kilig na kilig sila Ivy sa pagkanta ko eh. Hahaha. Abang na abang sila sa susunod kong gagawin.

I just can't believe that you are mine now

Sabay kalabit sa nakatalikod na si Justine, sya naman ay halatang nagulat dahil hindi nya nga inaasahan na nasa likod na nya ako. Hinila ko ang kamay niya patayo habang siya naman ay namumula. Siguro ay may tama na ng alak.

"Ayieeee!" sigaw ng mga nanonood, pero nangingibabaw talaga ang boses ni Ivy. Hahaha.

Kaya hinatak ko na paharap sakin si Justine, nilapit ko ang mukha ko sa kanya kasabay ng pagbigkas ko ng chorus. Ginagalingan ko talaga ang pagkanta. May kasama pang kindat. Akala ata ng Justine na ito eh hindi ako marunong kumanta at puro kayabangan at pagpapapogi lang ang alam ko. Hahaha. Pwes, nagkakamali siya.

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you

Masyado atang malapit ang mukha namin sa isa't isa. Hehehe. Ewan, kinikilig ata ako sa ganda niya eh. Magkasing-tangkad kami ngayon dahil sa suot niyang sapatos.

I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be with forevermore

Sigawan na naman ang mga Girls, hindi ko na naiintindihan ang mga naririnig ko. Parang yung tugtog na lang ata ng kanta ang naririnig ko. Si Justine naman ay halatang kinakabahan sa ginagawa ko. Haha. Kala nya ah, hindi pa ko tapos. Kaya hinatak ko siya pabalik sa stage. Para naman makita kami ng ibang mga manonood.

Instrumental....

"Ano, kala mo siguro hindi ako marunong kumanta ah. Hahaha." ­–Bulong ko kay Justine habang naglalakad kami papuntang stage habang instrumental.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now