#SMASP 62: John Paul Ewan

6.6K 393 78
                                    

Vote muna bago basa. Ganern! Magcomment naman kayo para ganahan naman ako. Hahaha. Salamat po sa mga nagcocomment. Dahil sa inyo, napupush ako. Hello kay RheynDeDios at Dru. Yieeeee. :)


[JUSTINE]


Halos ilang araw kong inisip at dinamdam ang nabasa kong chat ni John Paul kay Mickey. Yeah it hurts, pero kasi matagal ko naman ng alam na hanggang magkaibigan lang kami ni John Paul.

Pero hindi ko alam kung bakit siya pa rin ang gusto ko. Nakakainis kasi, oo sige na, aaminin ko na, umaasa pa rin ako na magiging kami balang araw. Naaawa na nga ko sa sarili ko minsan, napakaganda ko para magpakatanga.

Pero anong magagawa ko. Nagmahal lang naman ako. Nagmahal ng taong alam kong kahit papaano ay mahal din ako. Pero hindi nga lang maamin.

Sabihin na nating assuming ako, pero nararamdaman kong mahal din ako ni John Paul at ayun ang pinanghahawakan ko kung bakit hindi ako bumibitaw. Sabi nga nila, kapit lang bes!

"Ano na namang iniisip mo bakla?" Tanong ni Lito. Andito kami ngayon sa Jollibee at kumakain. Out na kami ni Terrence at si Lito naman ay sumunod lang.

"Wala lang, iniisip ko lang kung gaano ba talaga ako katanga. Hahaha. Tangena ko diba?" -Ako.

"Ewan ko ba sayo bakla. Hahaha. Ang daming lalake jan, nagpapakatanga ka kay John Paul." -Terrence.

"Te, i'm telling you, mukhang nagkakaigihan na sila ni Steph. Lagi silang nagkukulitan while on duty. Si John Paul naman ang nangungulit kay Steph eh. Saka ramdam kong umiiwas si Steph." -Lito.

"Hayaan mo sila." -Ako.

"Nako, labas sa ilong. Hahaha. Hayaan pero deep inside nahe-hurt." Terrence.

"Hahahaha. Kasi naman te. Kayo kaya lumugar sa kagandahan ko. Haha. Este kalagayan pala."

"Oo na! Ikaw na maganda. Hahaha. Kinausap ko na yun si Steph." -Lito.

"Anong sinabi mo?" Tanong ko.

"Sabi ko, ano, ahhh. Steph, alam mo naman kung anong meron sila John Paul at Justine diba? Sabi kong ganon."

"Oh anong sabi?"

"Sabi niya, 'alam ko naman yun te, saka hindi ko naman ipagpapalit ang friendship namin ni Justine. Saka alam kong magagalit si Justine pag ganun, kaya hanggat maaari umiiwas ako.' Ganon sabi niya te."

"Mukha namang nag-iisip si Steph eh. Alam niya kung san siya lulugar." -Ako.

"Oo nga, pero te, hindi mo mapipigil yun. Pag nagkagusto na sila sa isa't isa, hindi mo yun mapipigilan. Think in advance, sooner or later malaki ang chance na magkagustuhan sila. Maganda si Steph. Kaya kabahan ka bakla! Kung gugustuhin niya, kayang kaya niyang agawin sayo si John Paul! Kaya kung ako sayo, get ready kasi masasaktan ka talaga." -Terrence.

"Hayyyy buhay! Ano ba yan te! Dati gusto ko lang magkaboyfriend! Hindi ko naman alam na ganito pala kahirap ang pagdadaanan bago magkaroon. Hahaha. Tapos 50 50 pa ang chance na magkajowa. Okray!!! Hahaha."

"Pero kumusta naman kayo ni John Paul?" -Lito.

"Okay naman, wala namang nagbago. Minsan nga ang sweet niya sakin. Kaya hindi ko rin siya magets, tapos sasabihin niya kay Mickey, hindi siya napatol sa bakla. Diba? Ang gulo." -Ako.

"True! Mas magulo pa sa bulb*l! Hahahaha." -Terrence.

"Bakla ka! Bunganga mo! Kita mong nasa Jollibee tayo, ang daming bata. Hahaha." -Lito.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz