#SMASP 69: Realization

7.3K 481 98
                                    

Vote muna bago basa. Enjoy reading.


---


[TERRENCE]



"Ano! Tuloy ba ang inuman mamaya?" Tanong ko sa kausap kong si Gino sa cellphone.

"Ewan ko kay John Paul. Nag-inom na kami kagabi eh. Hahaha."

"Ayan tayo eh! Di kayo nagyayaya! Free pa naman ako kagabi! Tsk! Very wrong Gino! Very wrong!"

"Hahahahaha. Biglaan lang naman yun. Sorry na!"

"Tse! Sabi mo kahapon, ngayong gabi ang inuman. Tas nauna na pala kayo. Okray!"

"Biglaan nga lang. Dalawa nga lang kami eh. Basta kung magtext si John Paul mamaya. Eh di tuloy! Rest day yun ngayon. Saka nasa school ako. Tatawagan na lang kita pag tuloy. Nag-aantay lang din ako ng text eh."

"Sige! Basta kung makakapunta ako mamaya. Susunod na lang ako. Pwede ko ba isama si Mickey?"

"Nako wag! Baka magsuntukan lang yung dalawa. Hahaha."

"Ay ganun. Hahahaha. Bakit? Ano bang pinag-usapan niyo kagabi?"

"Wala lang. Mga problema ni John Paul. Natawa nga ako eh. Umiyak si Kupal! Hahahaha. Di ako makapaniwala. Hahaha."

"Talaga? Bakit umiyak?"

"Basta! Usapang lalake! Hahahaha."

"Hahaha. Share mo naman pre! Lalake rin naman ako ah! Sino ba ang bakla dito? Hahaha." Sabi ko sa panlalaking boses.

"Hahaha. Loko ka talaga. Sige na. Mamaya na tayo mag-usap. May prof na kame."

"Sige. Basta text mo agad ako ha. Para makasunod ako."

"Sige bye."

Pagkababa ng tawag ay binuksan ko agad ang facebook at nagpunta sa profile ni Justine. Jusko, sa libo libong friends niya sa facebook. Sino kaya dito ang posibleng kasama niya ngayon? Tsk. Talaga naman tong baklang to. Ano  kayang drama nito sa buhay? Kahit man lang sakin hindi magparamdam. Nakakatampo na eh. Ito nga't naihanap ko na siya ng isusuot para sa Big Bang Party. Tsk. Sayang naman tong 1950's na gown na nahiram ko kung hindi lang siya pupunta. Haysss. Nangako pa naman siya sakin na hahakutin namin lahat ng awards, tapos ngayon ganyan siya. Kainis! Ano ba kasing problema niya! Ano bang problema nila ni John Paul! Tengene.

"Anong balita kay Justine? Magaling na ba?" Tanong ng manager pagkalabas ko pa lang ng crew room.

"Nako hindi pa nga po eh. Papunta nga po ako sa kanila ngayon para kumustahin." Pagsisinungaling ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Umalis na ako. Baka kung ano pa ang itanong sa akin. Okray!

"Hello Owang! Ano na? Nagpakita na ba jan si Justine?" Tanong ko kaagad pagkasagot pa lang nito ng tawag.

"Wala pa rin eh." Sagot nito. "Pero si John Paul andito siguro. Andito yung kotse eh."

"Ay nako wala kong pake jan. Hahahaha. Sige na. Basta sabihan mo agad ako ha. Salamat."

"Sige."




[JUSTINE]

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now