#SMASP 42: Mickey

7.1K 409 57
                                    


"Magkasama na naman pala kayo ng unggoy na yan." Text sakin ni Mickey.

"Ha? Pano mo nalaman?" Reply ko rito.

"Nakita ko sa fb." 

Agad agad kong binuksan ang data ko at isa isa na ngang nag-pop-up ang mga notifications ko sa facebook at mga messages sa messenger. May post nga si John Paul. Yung selfie namin kanina.

John Paul Alcantara added 34 new photos.
Movie time with Unggoy! :D
52 Minutes ago.

Nabasa ko pang may comment doon si Kenjie. Nice daw.

"Ahhh. Wala lang. Nagyaya lang siya magsine." Reply ko kay Mickey pagkatapos kong makita ang post ni John Paul.

"Hayyyy Justine. Nagseselos ako! Magkasama na naman kayo." 

Nagulat naman ako ng biglang hablutin ni John Paul ang cellphone ko.

"Akin na yan. Ano ba! May katext ako eh!" Inis na sabi ko rito.

"Bakit. Ikaw nga nagbabasa ng mga text sakin eh. Sino ba tong katext mo?" 

"Si Mickey!!! Akin na!!! Kainis naman eh."

"Hahaha. Nagseselos pala to sakin eh." Mayabang na sabi nito. "Oh!" Sabay balik sakin ng cellphone ko. "Sabihin mo ang panget niya!!!" Dagdag pa nito habang pangisi ngisi.

"Ewan ko sayo. Bwisit ka."

"Nagseselos pala sakin eh. Hahahahaha. Ang pogi ko ba naman kasi." Mayabang na sabi pa nito. Parang feeling niya. Napakagwapo niya lalo dahil pinagseselosan siya. Sabagay gwapo naman talaga. Pero yung ganyang kayabangan. Nakakainis.

"Bilisan mo na kumain. Uuwi na tayo!" Naiinis na sabi ko kay John Paul.

"Wala kong pake." Simpleng sabi lang niya.

"Wala ka palang pake eh di jan ka na! Uuwi na ko! Bwisit!" Tatayo na sana ako ng biglang nagsalita ito. This time seryoso ata siya.

"Sige subukan mong umuwi! Bakit? Nagagalit ka sakin kasi pinakealaman ko cellphone mo. Bakit? Ikaw nga jan binasa mo rin yung inbox ko eh. Nagalit ba ko?" Sabi nito habang hawak yung baso niya at akmang iinom.

"Naiinis ako sayo kasi ang yabang yabang mo!" Sabi ko naman.

"Bakit? Sabi ko lang naman nagseselos pala siya sakin ah. Anong mayabang don? Eh totoo naman! Siya na mismo nagsabi!"

"Wala kang pake kung nagseselos siya sayo. Aalis na ko!!! Bahala ka jan!"

"Eto na! Tapos na ko kumain! Tara na! Ang ingay ingay mo. Pinagtitinginan na tayo dito!" Bulalas nito.

"Wala akong pake! Basta naiinis ako sayo!!!" Sagot ko.

"Wala rin akong pake! Tara na umuwi na tayo!" Sabi nito at hinatak na ako palabas ng giligans. Letse. Ganito na lang ba kami lagi?

"Porket nagseselos sayo yung tao. Feeling mo napakagwapo mo. Nakakainis ka!" Hindi ko talaga mapigilan ang inis kaya ang ingay ingay ko habang naglalakad kami papuntang sakayan.

"Ano ba problema mo! Eh ayun yung text niya sayo diba! Nabasa ko lang! Saka pwede ba. Manahimik ka nga!" Depensa nito.

"Eh feel na feel mo naman na pinagseselosan ka!"

"Sussss! Ang pogi ko kasi eh!" Taas noong sabi niya sabay ngisi.

Grrrr! Nakakabwisit ang kumag na to!!! Sobrang yabang!!!

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now