#SMASP 40: Nakakabaliw

6.7K 402 50
                                    

Vote muna bago basa. Salamat po. :)



"Sino yang katext mo?" Tanong ko kay John Paul habang nakasakay kami ng jeep pauwi.

"Ha? Wala to. Classmate ko lang. Hehehe." Sagot niya.

"Ahhh nice. Ang sipag naman niyan. Gabi na nakakapagtext pa." Pinipilit kong wag maging tunog sarkastiko eh.

Jasmine. Nakita ko sa cellphone niya. Jasmine pala ha. Alam ko yang Jasmine na yan eh. Nakwento niya sakin dati na Jasmine ang pangalan ng Ex Girlfriend niya. So, may communication na pala ulit sila. Okay.

"Hehehe." Sagot lang nito.

Halatang ayaw ipakita sa akin yung pagtetext nila. Paano ba naman ay tinatagilid ang cellphone habang nagtatype. Diba? Obvious na obvious. Hindi na ko nagsalita. Nawala na naman ako sa mood at nag iisip na naman ng kung ano ano. Tangena. Mababaliw na ata ako. Heto na naman ako eh. Nag iisip na naman.

Iniisip ko. Paano kung magkabalikan na sila? Eh di echapuwera na ako? Alam kong mahal na mahal yun ni John Paul eh. Yung Jasmine na yon! Ngayon pa na may may komunikasyon na sila? Saan pa nga ba yun papunta. Eh di malamang magiging sila na ulit. Hayyssss. Isip na naman Justine. Mabubuang na ako nito kakaisip.

Bahala na. Siguro kung magiging sila ulit eh di malamang senyales na yun na hindi talaga kami ni John Paul ang para sa isa't isa.

Pero paano kung classmate niya lang talaga yun. Pano kung kapangalan lang pala ng ex niya. Hayyyy. Isip ulit. Isip lang ng isip. Hindi ko na namalayan at pababa na pala kami ni John Paul.

"Uyyyy andito na pala tayo." Bulalas nito nang mapansin na nasa may babaan na kami ng jeep.

See? Hindi niya napansin na pababa na kami. Ganun siya kalibang sa katext niya. Naiinis ako. Letse.

"Kapag ikaw nabangga jan sa kakatext mo bahala ka sa buhay mo ha!" Inis na sabi ko rito.

"Hindi yan." Maiksing sagot niya habang nirereplyan ang katext niya.

Ahhh okay. Bulong ko sa sarili ko at sumakay na sa tricycle. Sakto dalawa na lang ang kulang kaya umalis rin ito pagkasakay namin. Masyado talaga siyang busy sa katext niya. Hindi ko maiwasang mainis. Ako nga minsan lang kami magkatext ng matagal. Tapos siya. Ang sipag niya dun magreply. Letse siya. Nagseselos ako kahit na alam kong wala naman akong karapatan! Ewan ko ba! Baliw na ata ako! 

"Uyyy! Uwi ka na?" Tanong nito pagkababa ko ng tricycle. Ano pang gagawin ko sa labas? Tutunganga? Tapos siya may katext. Ako wala. Nakakainis diba?

"Oo!" Sagot ko pero hindi ako lumingon sa kanya at dire-diretsong naglakad pauwi.

"Ge." Maiksing sagot nito. Diba? Parang balewala na agad ako. Porket may katext siya. Bahala ka sa buhay mong John Paul ka. Inii stress mo ko. Hayssss.

Hindi pa ako pamasok ng bahay. Inaantay ko munang makaalis si John Paul at saka kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Gino.

"Good Evening. Oh Justine. Napatawag ka? Kumusta?" Bati nito sakin mula sa kabilang linya?

"Hehehe. Ayos lang. Good evening din. May tatanong lang ako eh. Hindi ba ko nakakaistorbo?" Tanong ko rito.

"Nako hindi naman. Hahaha. Nasa store pa ako eh. Kakaout ko lang. Alam mo naman dito sa Paseo. 24 hours. Hahaha. Ano tanong mo?"

"Sino si Jasmine?" Diretsong tanong ko.

"Jasmine?" Tanong din nito sakin.

"Yung katext ni John Paul." Sagot ko agad.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now