#SMASP 63: Ano ba talaga John Paul?

6.6K 414 83
                                    

Oh! VOTE agad bago magbasa!!! Ayan ah. Dahil malakas kayo sakin, update agad. Hahaha. Saka natutuwa ako dahil ang dami ng nagko-comment. Suggest niyo rin sa mga friends niyo. Ganern!!! Maraming salamat. Enjoy Reading.


---


[JUSTINE]


"Anong sabi mo?" Sabi ko habang kinakalas ang braso ko sa pagkakahawak niya, lasing ako pero ramdam kong masyadong mahigpit.

"Ang sabi ko, uuwi na tayo." Mahinahon na sabi nito saka binitawan ako. Napatingin na lang ako kay Kenjie.

"Sige na Tine, ako na bahala sa mga to." Sabi niya.

"Hoy hoy hoy!!! Anong uuwi! Maupo ka dito at tumagay ka! Hahaha." -Terrence.

"Di pwede, opening pa ako bukas. Uuwi na kami. Bye!" Sabi ni John Paul saka hinawakan ako sa braso at hinila.

"Anong oras na, wala kang balak umuwi! Isusumbong kita sa Mama mo!" Sabi nito habang naglalakad kami palabas ng bar. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Kamay ha, hindi braso.

"Hahaha. Nagpaalam ako. Nagtext ako dun kanina. Dahan dahan nga sa paglalakad. Alam mong lasing yung tao eh." Sabi ko. "Pano mo nalamang nandito kame?" Tanong ko.

"Si Ivy, katext ko kanina." Sabi nito ng hindi man lang lumilingon sa akin.

"Aray ko naman John Paul. Masyado namang mahigpit eh. Hindi naman ako tatakas eh!" Huminto ito sa nakaparadang itim na kotse at saka binuksan. "Sakay!" Bulalas niya.

"Nge! Anong sakay? Kaninong kotse ba yan?" Takang tanong ko ng makita ang itim na chevrolet.

"Sakay!" Sabi nito.

"Ayaw ko nga! Hindi ako sasakay!"

"Su ma kay ka na." Mabagal na sabi nito. Halatang naiinis na sakin. Hahaha.

"Sumakay ka na Tine! Anong oras na oh! Inaantok na ko eh!" Frustrated na sabi nito.

Pagkatingin nito sa relo niya ay nagkaroon ako ng tyansang tumakbo pabalik sa loob ng bar. Ewan ko ba kung bat napapahalakhak ako ng malakas habang tumatakbo, para akong bata sa kalasingan. Hahaha.

Nagulat na lang ako ng bigla akong umangat at biglang bumaligtad ang paningin. Binuhat ako ni John Paul at isinampay sa balikat niya. Nasa may likuran niya ang mukha ko at naglalakad siya pabalik sa kotse.

"Ikaw! Lasing ka na, nanlalaban ka pa! Hahahaha. Akala mo naman makakatakas ka. Hahahaha." Sabi nito saka inilapag uli ako sa harap ng kotse.

"Hahahaha. Ang bilis ko tumakbo no? Hahaha."

"Hahahahaha. Sasabihin mo pa, bitawan ka dahil hindi ka tatakas. Sinong inuto mo? Ako? Hahaha." Natatawang sabi niya.

"Tse!" Iirap irap na sagot ko.

"Sumakay ka na Tine!" Parang batang sabi nito, kanina tumatawa tapos biglang sisimangot, may papadyak padyak pang nalalaman habang nakamot sa ulo.

"Kaninong kotse ba yan kasi?" Tanong ko.

"Sa classmate ko yan! Hiniram ko lang. Sakay na! Uwi na tayo. Maawa ka, opening pa ako, alas dos na oh!"

Hindi na ako nagsalita at sumakay na sa tabi ng driver's seat. Agad namang umikot si John Paul at saka sumakay.

"Ayusin mo magdrive ah. Ayoko pa mamatay!" Sabi ko habang kinakabit ang seatbelt.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon