#SMASP 82: Released

8.4K 458 112
                                    

Vote muna please! Salamat po. Dont forget to post your comment. :) Enjoy reading. :)


----



"Tangena naman eh. Oo na! Sige na. MAHAL KITA TINE!!!! MAHAL NA MAHAL KITA!!!! Noon pa!!!! Sobrang nahihirapan na nga ako eh! Mahal talaga kita! Hindi ko lang talaga masabi!" Sabi nito na literal na nagpahinto sa mundo ko.

Sa isang iglap ay tila nawala ang lahat ng tao sa paligid at kami ni John Paul na lang ang natira sa mundo.

"Ano!!! Mahal mo ko? Mahal mo pala ko eh!!! Kelan pa!?" Tanong ko na nasorpresa sa narinig. Alam ko naman na mahal niya ako. Pero nung marinig ko yung salitang 'noon pa.' Wow diba. Noon pa pala.

Deep inside eh pumapalakpak na ata ang kaluluwa ko at puputok na ata ang puso ko sa sobrang kaba. Grabe. Ganito pala ang feeling.

"Kelan pa? Ha? Hindi mo alam? Bakit? Hindi mo nararamdaman!!! Noon pa!!! Matagal na matagal na! Gago!!!" Sagot niya. Natameme ako. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Kaya nga lumipat ako malapit sa inyo! Hatid sundo ka na nga diba!!! Noon ko pa gustong ipagtapat! Pota pero hindi ko alam kung paano, dahil hindi ko sigurado tong nararamdaman ko. Dahil bago lang sakin to." Sabi niya saka nilamukos ang mukha.

"Kaya sinubukan kong i-divert kay Steph!!! Pero hindi!!! Kasi ikaw talaga eh." Sabi niya saka tumagay, pagkatapos ay bumuntong hininga.

Letse, parang hindi na ata naabsorb ng utak ko mga sinasabi niya. Nag-hang na ata ang utak ko.

"Mahal kita noon pa! Pero ano! Sige ka pa rin sa Mickey na yan! Alam mo ba kung bakit ayaw ko sa Mickey na yan ha! Gusto mong malaman!" Gigil na tanong niya sa akin. Tango lang ako isinagot ko. Pakiramdam ko kasi ay umusog ang dila ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Kasi nagseselos ako!!! Kasi gusto ko ako lang! Ako lang yung kasama mo, ako lang kasabay mong kumain, ako lang yung napapasaya mo, ako lang yung niyayakap mo. Gusto ko ako lang. Gusto ko sakin ka lang nagki-care. Gusto ko ako lang lahat. Madamot ako eh." Sabi nito na akala mo eh nabunutan ng tinik sa dibdib.

Punyeta hanggang ngayon, hindi pa nagsisink in sa utak ko mga pinagsasabi niya. Letse. San ba ko magsisimula magsalita?

"Anong mahirap sabihin dun? Sasabihin mo lang hindi mo masabi! Ayan ang problema sayo eh!!! Tang ina mo!" Sabi ko saka hinawakan siya sa mukha.

"Ang dali dali lang sabihin! Mahal kita John Paul! Oh tapos!!! Anong mahirap dun! Gago ka!" Sabi ko habang itinatapat ang mukha niya sa mukha ko. Eye to eye kami. "Jusko! Naturingang lalake, torpe!!!"

"Ulol! Hindi ako torpe!!!"

"Oh eh anong tawag mo dun! Gago!"

"Bat ka ba nagagalit!!! Kanina ka pa ha! Malapit na ko mainis sayo!" Sabi niya.

"Panong di magagalit. Nakakabwisit yang ugali mo!"

"Ewan ko sayo Justine!"

"Ewan ko rin sayooo! Bwisit!!!"

"Baliw ka!" Sabi niya saka dinampot ang wallet at cellphone na nakapatong sa mesa. Wala na talaga akong pake sa mga kasama namin dito. Pakiramdam ko nasa loob kami ng isang pelikula. Hayssss. "Uuwi na ko!!! Maaga pa ko bukas!" Sabi nito saka akmang tumayo. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Sige umuwi ka!!! Iwanan mo ko dito!" Sabi ko. Masyadong malakas ang boses ko. Ang ingay kasi ng nakanta.

"Uuwi na talaga ako! Pumunta lang ako dito para magsorry!!!" Sa sinabi niyang yon eh uminit na naman ang ulo ko. Iba kasi ang dating sakin.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now