#SMASP 78: Torpe

8.4K 485 90
                                    

Vote muna please bago magbasa! Salamat po sa patuloy na nagbabasa. Enjoy Reading.

Pasensya na po sa mabagal na Phasing at mabagal na update.

Mabagal po talaga ang phasing nito. Bakit? Eh gusto ko eh!!!

Tungkol naman po sa mabagal na update. Sorry na. Busy kasi sa Thesis. You know naman po. Working Student na Graduating kaya super busy talaga. Kaliwa't kanan ang mga projects, deadlines at reportings. Dagdagan pa ng papalapit na defense. So ito na! Enjoy reading po. Godbless. :D




---

[JUSTINE]


"Hayyy kapagod!" Bulalas ni John Paul habang binubuksan ko ang gate namin. Alas singko na ata ng madaling araw. Nakakapagod ang byahe.

"Magkape ka muna!" Anyaya ko habang sinususian ang main door.

"Ayaw ko. Matutulog na ako. Sige na pasok na!" Sabi nito saka inilapag ang mga gamit at pinamili namin sa Baguio.

"Nako! Andito na ata si Mama! Yari tayo!" Bulalas ko nang mapansing napakalinis ng bahay.

"Bakit?" Takang tanong ni John Paul. "Parang wala namang pinagbago ah."

"Ang linis kasi ng bahay. Hahaha."

"Ako po naglinis nyan! Burara ka, ang kalat mo sa bahay eh."

"Weh!!! Di nga?"

"Eh di wag kang maniwala." Pagsusungit niya. Baliw. Anong nakain niya at naglinis dito sa bahay? Tumalikod na siya at naglakad papuntang gate.

"Sige na! Uuwi na ko Mahal!" Rinig ko talagang sabi niya. Inaantok ako pero rinig na rinig ko talaga. Tinawag niya kong mahal?

"Anong sabi mo?" Nakangiting tanong ko.

"Sabi ko. Sige na, uuwi na ako."

"Yung isa mo pang sinabi?" Tanong ko.

"Sabi ko. Sige na, uuwi na ako Manang! Bingi mo!" Sabi niya saka isinara ang gata. Baliw! Hahahaha. Parang nangyari na to dati eh! Tsk! Hindi ko maalala kung kelan. Basta parang nagyari na to! Manang daw ah. Eh rinig na rinig ko nga. Tangenang yan.

"Yun ba yung sinabi mo? Parang di naman eh."

"Mamaya nga, maglinis ka ng tenga. Nakakainis ka. Sige na, antok na talaga ako."

"Sige, salamat Unggoy! Goodnight."

"Ge." Sabi niya saka naglakad na pabalik sa kotse niya. Ang hilig niya sa "Ge!" Wala man lang pa-good night eh. Kainis.


---


[TERRENCE]


"Kelan ang balik nung dalawa?" Tanong ko kay Gino. Naloka na lang ako nang malamang nasa Baguio sila. Iba din. Ginalingan.

"Mamayang gabi balik nila. May pasok na yun si John Paul bukas eh." Sagot ni Gino.

"Taray, anong meron at may pa-Baguio si John Paul? Hahahaha."

"Hahahaha." 

"Anong nakakatawa sa tanong ko?"

"Wala."

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt