#SMASP 15: Hot Seat

9.1K 470 32
                                    

Vote muna please bago magbasa. Salamat po. Enjoy reading. :)



[JUSTINE]




Alas tres na pala ng madaling araw. Kainis, antok pa ako. Alas dose na ako ng hating-gabi nakatulog kagabi kakabasa sa Wattpad. Ito na lang kasi ang nagpapakilig sa akin nitong mga nakaraang araw. Pero ngayon, meron na. Si Gino! Hahaha.

Sobrang inaantok pa talaga ako, kumusta naman kasi ang tatlong oras na tulog. Kung bakit ba naman kasi alas singko ng madaling araw ang pasok ko eh. Yaan na nga. Pagkatapos mag-almusal at maligo ay umalis na ako ng bahay at pumasok na sa trabaho.

Ang nanay ko ayon, nag-eenjoy sa Bicol. Okay na rin yun, kasama naman niya ang mga kapatid niya dun. Saka mukha naman siyang nag-eenjoy. And atleast nasusubukan kong mamuhay mag-isa kahit saglit lang. Hehehe.

Mag-aalas singko na ng dumating ako sa store. Matapos magpa-time in sa manager ay nagsimula na akong magtrabaho. Wala naman masyadong gagawin kapag opening. Magpupunas ka ang ng mga plato at kung ano ano pa. Tapos, tapos na. Open na ang counter. Ganon kadali ang counter station. Magaan ang trabaho. Trabaho ng magaganda ika nga ni Ivy! Hahaha.

Alas siyete ng dumating si Terrence, pang-umaga rin pala ang baklang ito. Sabagay, nung ako rin naman ang baguhan eh lagi rin naman umaga ang duty ko. Matuturuan kasi ng maayos ang mga trainee kapag umaga kasi wala masyadong tao.

"Good Morning te!" Bati nito sa akin na halatang inaantok pa.

"So Good Morning din." Balik ko naman.

"Anong oras ang pasok ni Lito ngayon?" Tanong ko.

"9AM pa yun teh, sabay sila ni Ivy." Sagot nito sa akin.

"Wow, mukhang magiging masaya ang duty natin ngayon ah, panay kabaklaan ang mga duduty. Hahaha. Bakla rin kasi yun si Ivy, may boobs lang siya. Hahaha." Natatawang sabi ko.

"Oo nga te. Hahaha. Naeexcite na nga ako eh. Kahapon kasi eh kaming dalawa lang ni Lito ang nag-ookrayan, si John Paul naman ay nakikitawa lang. Pero ngayon marami na tayo. Ang saya siguro. Hahaha."

"Buti nga nakikitawa pa yun sa inyo eh. May topak kaya yun, hindi nga kami close nun eh. Laging badtrip yun sa akin." Mahabang sabi ko na nagpatawa naman ng bahagya kay Terrence.

"Saka sobrang moody niya te! Minsan nakikitawa tapos biglang tatahimik, tapos mamaya biglang magsusungit! Baliw." Dugtong ko pa.

"Oo nga, tama ka jan te, napansin ko rin yun sa kanya, hayaan na lang natin te, baka naiilang lang talaga yun sa mga bakla. Hahaha."

"Wes! Inis talaga yun sakin beh, lagi akong binibembang. Kahit ang bilis ko na nga kumilos, sasabihin ang bagal bagal ko daw. Kainis eh."

"Nako yaan mo na lang. Pero kahapon naman okay naman siya teh. Nakikitawa pa nga saka nakikipag-kwentuhan pa samin eh." – Terrence.

"Nako, change topic na nga lang tayo teh, saka kung ayaw niya makipagkaibigan sakin eh di mas ayaw ko rin sa kanya. Kaya nga di ko na yun masyadong pinapansin eh. Hindi naman siya kawalan no. Hindi naman siya ang nagpapasahod sa akin."

"True!"

Ambilis talaga ng oras pag-umaga, marami-rami na rin akong naituro kay Terrence, mabuti at mabilis matuto ang baklang to. Hindi ako masyadong nahirapan, medyo nalilito na lang siya sa pagpa-punch ng mga orders, ganun naman talaga sa umpisa eh.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now