#SMASP 2: Gino Olivarez

15.7K 623 12
                                    

[GINO]

Gino Olivarez ang pangalan ko. Mukha lang mayaman pakinggan pero ang totoo niyan ay galing ako sa isang tipikal na pamilya. Yung sapat lang ang kinikita ng aking mga magulang para sa pang-araw-araw namin.

Kahit hindi kami mayaman ay pinalaki naman kaming magkakapatid ng aming mga magulang ng maayos at may takot sa Diyos. At kahit hirap ay pilit pa ring tinataguyod ng mga magulang ko ang pag-aaral naming magkakapatid.

Mabuti nga dahil kahit alam kong hirap ang pamilya namin ay nakapagtapos pa ako ng high school at ngayon nga ay nasa ikaapat na taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong industrial engeneering. Limang taon ang napili kong kurso at sa susunod na pasukan nga ay panglimang taon ko na at makaka-graduate na ako.

Ganun kahalaga sa kanila at sa akin ang edukasyon. Alam ko kasi na makakahanap ka ng mas magandang oportunidad kapag nakapagtapos ka. Dahil ang edukasyon ay ang susi sa tagumpay. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Kaya pinipilit at sinisikap kong makatapos ng pag-aaral nang sa gayon ay ako naman ang magpapaaral sa mga nakababata kong kapatid. Tama na siguro ang dinanas na hirap ng mga magulang ko para sa pag-papaaral sa akin. Kaya pinangako ko sa kanila na kapag nakapagtapos ako ay ako na ang magpapaaral sa mga kapatid ko.

Para makatulong sa mga gastusin ko sa pag-aaral ay nag-trabaho ako sa isang Fast Food Chain. Flexible naman ang oras ko sa trabaho kaya kahit mahirap ay nababalanse ko naman ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Sa sobrang focus ko sa trabaho at sa pag-aaral eh hindi uso sakin ang lovelife. Wala pa yun sa isip ko ngayon. Wala kasi akong time sa mga ganung bagay lalo na ngayon at nag-aaral pa ako.

Marami nga ang nagtataka kung bakit hindi pa daw ako nagkaka-girlfriend eh gwapo naman daw ako at malakas ang dating. Mukha nga daw akong anak mayaman eh. Sa totoo lang, hindi naman sa pagmamayabang eh may itsura naman talaga ako. Pogi kumbaga! Naks! Hehehe.

Wala lang. Wala talaga siguro sa isip ko ngayon ang mga ganyang bagay. Saka wala akong time para dun. Siguro hindi pa ako handa sa mga ganung bagay kaya hindi rin ako naghahanap. Saka makakapag-antay naman yun eh. Ayaw ko naman na makikipagrelasyon ako para lang masabi at maipakita sa ibang tao na meron akong Girlfriend. Gusto ko kasi na kapag nakipagrelasyon ako ay mabibigyan ko siya ng sapat na oras at atensiyon. Kung darating eh di siguro ayun na talaga ang oras para subukang umibig. Pero sana naman kung darating na siya ay maintindihan niya na pag-aaral muna ang first priority ko.

Sabi ng Mama ko, hindi naman daw hinahanap ang pag-ibig. Malalaman mo lang daw na kaharap mo na ang taong iibigin mo kapag parang huminto ang paligid at tipong nag-slow motion ang lahat ng bagay sa paligid kapag nakaharap mo na siya. Love at first sight daw ang tawag dun. Ganun daw kasi ang naramdaman nila ni Papa nung una silang magkita. Alam niyo ba yung love at first sight? Maraming nagsasabi na totoo daw yun. Haaay, hindi naman ako naniniwala dun, pero paano kung totoo nga? Eh pano kung hindi naman talaga? Haaay. Saka na nga yang pag-ibig na yan. Chill chill lang muna ako.

Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko munang pumasok sa isang relasyon ay dahil sa nakikita kong pinagdadaanan ng bestfriend ko. -Si John Paul. Halos mabaliw na yung kumag na yun! Hindi alam kung paano siya magmu-move on. Naawa na nga ako sa kanya eh. Kaya ewan ko ba. Kaya siguro natakot na rin ako. Ayoko munang pagdaanan ang mga ganung bagay. Focus muna Gino. Focus! Saka na ang love life.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now