#SMASP 13: Moody John Paul

9.1K 487 23
                                    

Vote muna  bago magbasa. Salamat po. :) Enjoy reading.





[JOHN PAUL]




Ano na bang nangyayari dito sa store na to? Ano kayang trip ng hiring manager namin at nag Mass Hiring ng mga bakla? Hindi pa ba sila kontento kay Ivy? Bakla rin naman ang isang iyon. Hehehe. De joke. Sa totoo lang, hindi naman ako against sa kanila. Meron din naman akong mangilan-ngilan na kaibigang bakla. Sadyang nagtataka lang talaga ko.

Hindi nga lang ako sanay makisalamuha sa kanila. Na-o-awkward ako eh. Ang iba kasi sa kanila eh grabe makatingin saming mga lalake minsan, yung para bang hinuhubaran nila kami sa isip nila. Well, aminin na lang natin. Gwapo kasi ako. Hahahaha.

Wala lang, hindi ko sila trip, feeling ko kasi sa mga kagaya nila eh puro lang kalandian ang nalalaman. Karamihan kasi sa mga baklang nakikita ko eh parang katawan lang ng lalake ang laging hanap. Sorry sa words pero ayun kasi ang nakikita ko sa karamihan sa kanila

Alam kong hindi naman lahat ng bakla ay ganon. Marami rin namang matitino. Ang ayaw ko lang naman ay yung mga baklang feeling magaganda kahit na hindi naman talaga, lalong lalo na yung mga baklang pabebe!

Naiinis ako sa mga ganon eh. Hindi ko alam kung bakit. Yung iba, feeling babae kahit na mukha namang lalake talaga. Ewan, siguro kung may makakaalam ng mga iniisip ko ngayon eh baka kuyugin ako ng mga bakla. Pero don't get me wrong ha, hindi ako against sa kanila. Okay?

Pero wala eh, sadyang mapaglaro ang tadhana, aba eh wala pang isang buwan ay tatlong kabaklaan na agad ang na-hire dito sa amin. Noong una ay si Justine, minsan naiinis talaga ako dun kasi masyadong pabebe! Sobrang hinhin eh, nakakainis tingnan kasi napakabagal kumilos. Kung tutuusin eh, magaling talaga siya, sadyang naiinis lang ako kasi ang bagal talaga kumilos. Hayyy. Hindi man lang mag-hustle eh!!!

Sa trabaho naming ito eh bawal ang babagal bagal kumilos kundi yari ka sa mga customer mo at talagang hahaba ang pila mo. Pero siya wala lang pakialam, siguro sadyang ganun lang talaga siya kumilos. Wala akong magagawa, minsan nga eh hindi ko matiis at napapagalitan ko talaga dahil sa kabagalan niya. Eh ano kung magalit siya sa akin. Pake ko! Ang trabaho ay trabaho. Tapos minsan, puro pa pakikipagdaldalan ang inaatupag. Nako lalo na kapag si Ivy ang ka-buddy! Bwisit!

Ngayon naman ay eto nga, pagka-in ko ng alas dos ng hapon eh wala na akong ibang ginawa kundi turuan itong mga bagong hire, sino pa nga ba eh di sila Terrence at Lito na mga bakla rin. Hayy, siguro ito na talaga ang panahon para gibain ko ang pader na ginawa ko at subukang makipagkaibigan sa mga katulad nila, hindi naman naman siguro yun magiging kabawasan sa pagkalalaki ko.

Sa totoo lang, nagbago ang tingin ko sa mga bakla simula ng pumasok dito si Justine, kaiba kasi siya sa mga baklang nakikita ko na napaka-aarte at wagas kung makapag-kolorete, simple lang siya. Walang kaarte arte.

Minsan nga lang ay parang pabebe na talaga! Hindi ko alam kung nagpapacute ba siya sa akin, at naiinis ako pag naiisip ko yun! Oh siya sige na nga! Aminin na natin. Cute naman talaga siya. Pero basta! Hindi ako komportable sa mga baklang nagpapa-cute. Hahaha.

Pero naisip ko. Siguro ay sadyang ganun lang talaga siya. Mahinhin. Masasaya naman pala sila kasama, ngayon nga ay kanina pa ako tawa ng tawa sa dalawang to habang tinuturuan ko, ang dami kasi nilang jokes na talaga naman nakakatawa. Sila sila lang din ang naglalaitan ng kanilang mga sarili.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon