#SMASP 14: Confusion

9.2K 498 19
                                    

Vote muna please bago magbasa. Salamat po. :) Enjoy reading.




[JUSTINE]





You make me shine, shine

Like the stars and the heavens

Shine, shine, you keep me shining through

Pagsabay ko sa kanta na naririnig ko mula sa aking earphone.

Shine, shine, with the light that you give in

It's true. I'm shining on all because of you.

Aura aura lang ako ngayon mga ate, masayang namamasyal at namimili mag-isa, hobby ko to eh. Kahit marami akong kaibigan eh mas trip kong lumakad mag-isa lalo na pag mamimili.

Ang saya lang ng buhay. Ngayon ko lang naramdaman at naenjoy ang aking day-off. Yung mga nakaraang rest day ko kasi ay itinulog ko lang. Super tulog lang ako ng bongga. Nakakapagod naman kasi talaga ang trabaho. Pero kahit ganun, masaya naman at nag-eenjoy naman ako.

Simple lang naman ang porma ko. Naka-top sider na itim na shoes, skinny pants na kulay chocolate brown at maluwag na sleeveless na kulay gray. Red lipstick lang ang panglaban ko mga ate. Sapat na to. Hahaha.

Syempre, nakalugay na naman ang bagsak at undercut kong buhok. Ganito lang ako manamit. Yung unisex lang. Ayoko naman mag-cross dress, ayoko kasing maranasan yung mabastos ako dahil sa suot ko. Anyways, kung mamabastos naman ako eh sisiguraduhin kong magkakamali sila ng babastusin. Hindi ako papayag no. Hahaha.

Alas kwatro pa lang ng hapon at medyo napagod na ako sa pag-iikot ikot. Nakaramdam na rin ako ng gutom. Kaya ayun, napagdesisyunan ko na ring dumaan sa store at dun na lang kumain bago umuwi.

Isang oras din ang tinagal ng biyahe ko mula SM hanggang sa store na pinapasukan ko. Naabutan ako ng traffic kaya ito nga at gutom na gutom na ako. Kainis. Dibale, kakain na lang ako ng marami.

Pagpasok ko pa lang ng entrance ay si John Paul na agad ang nakita ko. Hmm, ang pogi niya talaga, at mukhang masaya pa silang nagtatawanan nila Terrence at Lito si Ivy naman ay busy sa pag-oorder take.

"Hoyyy te! Ganda mo today ah. Pagala gala na lang ah. Ikaw na ang restday! Hahaha." Masayang bungad ni Terrence, daldal talaga ng baklang to.

"Hoy bakla, may ikikwento ka pala sakin. Ikwento mo yan bukas pagpasok mo ha!" Nagmamadaling sabi ni Ivy pagkuway bumalik din agad sa pag-aassemble ng mga orders.

"Anong ginagawa mo dito te at napadaan ka? Dinadalaw mo ba si Gino? Hihihihi." Kinikilig na usisa ni Lito.

"Ay grabe kayo mga ate. Magtrabaho nga kayo. Tulungan niyo muna si Ivy oh saka si John Paul, haba ng pila kaya." Sabi ko sa mga bakla.

"Ay te, grabe ka rin. Second day pa lang namin no. Hindi pa kami marunong niyan. Ano ngang sadya mo dito te?" Usisa ni Terrence.

Ilang araw pa lang kami magkakakilala pero feeling ko ang tagal na. Hahaha. Ganun daw talaga pag mga bakla. Friends agad.

"Wala lang, titingnan ko lang kung anong oras ang pasok ko bukas, saka kakain rin ako, nagugutom ako eh. Hehehe." Sagot ko naman.

"Chareng! Kakain nga ba? Ayaw pang umamin na dinadalaw lang niya si Gino. Kumusta naman date niyo kahapon? Kayo na ba? Hihihi." Malanding sabi ni Lito.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now