#SMASP 48: Iniibig Kita

7.6K 403 44
                                    



"Ikaw na sunod diba? Kain na!" Sabi ni John Paul pagkatapos kumain ni Ivy.

"Maya maya. Tapusin ko lang to." Sagot ko habang nag-assemble ng order.

"Tine! Tara na! Kain na tayo!" Sigaw ni Mickey mula sa pantry. Nagsasandok na ito ng kanin.

"Sige!" Sagot ko at saka isinerve ang naassemble kong order sa customer.

"Tsssss!" Rinig kong bulong ni John Paul. Dedma na lang ako. Kaya pumunta na ako ng pantry para kumuha ng pagkain.

"Okay na! Tubig na lang saka spoon and fork." Nakangiting sabi ni Mickey. Agad ko namang kinuha ang kulang at saka sumunod na sa crew room.

"Uyyy sarap kumain pag gutom no!" Bungad ko rito pagkaupo pa lang sa kaharap niyang upuan.

"Sinabi mo pa! Sobrang gutom na ako talaga! Hahaha." Natatawang sabi nito.

"Grabe kanina no! Sobrang daming tao!" -Ako.

"Oo nga eh. Tapos puro pa kayo pending! Lugang luga ako eh! Lumilipad na ako kanina! Hahaha." Nakasimangot na sabi nito. "Thank you ha!" Sabi nito saka ngumisi,

"Sus wala yun! Hahaha. Saka di naman sa counter ang may mali eh. Sa kitchen kaya. Walang back up na chicken." Depensa ko. Hello. Magagaling kaya kami magcounter no! Hahaha.

"Walangyang mga kitchen yan. Naluga ako dahil sa kanila. Hahaha." Sabi nito sabay subo ng pagkain. Bigla namang bumukas ang pinto. Si John Paul ang sumilip. Naputol tuloy ay tawanan namin ni Mickey.

"Yes?" Tas ang kilay na tanong ko rito.

"Anong yes!? Ohhh! Yung ulam mo!" Sagot nito sabay abot nung binili niyang ulam kanina. Oo nga pala. Bumili pala siya ng ulam.

"Ayyy oo nga pala!" Sagot ko sabay kuha nung paper bag.

"Ubusin mo yan ha!" Dagdag pa nito saka isinarang muli ang pinto.

"Ganyan ba talaga yan magsalita? Ang angas eh! Kala mo boss!" Inis na sabi ni Mickey.

"Oo! Kaya wag mo na lang pansinin. Pero mabait naman yan. May topak nga lang. Tingnan mo nga, binilihan pa ako ng ulam. Hahaha." Sabi ko habang binubuksan ang nakaplastic na ulam. Ang sarap. Inihaw na pork liempo. "Ohhh ulam! Share tayo dali!" Alok ko kay Mickey.

"Nako! Baka magalit pa si John Paul. O kaya sumakit pa ang tiyan ko jan." Pagtanggi ni Mickey.

"Grabe ka naman! Hindi yan. Hahaha. Ang dami naman nito eh. Hindi ko to mauubos. Kumuha ka na!"

"Ayaw ko nga. Sabi nga niya ubusin mo daw eh." -Siya.

"Halaaa ang arte oh." Sabi ko saka inilagay na sa plato niya ang kalahating liempo. "Kainin mo na! Pag nagtanong siya. Sasabihin ko na lang natapon! Hahahahahahahaha." Letse napalakas ata ang tawa ko. Hahaha.

"Sige sabi mo eh. Hahaha." Sabi nito saka nakipag apir. "Tutal umay na rin naman ako sa manok dito! Hahaha. Salamat."

"Ayun na nga. Ganyan ba talaga siya magsalita? Buti natatagalan mo yan?" Seryosong tanong nito.

"Ganyan naman talaga yan. Minsan sweet. Minsan masungit. Minsan sweet ulit. Tapos maya-maya magsusungit na naman. Tapos susuyuin ko yan. Tapos pabebe yan. Tapos magsusungit na naman. Tapos maya maya, sweet na naman. Ewan ko ba jan. Baliw ata yan eh. Nasanay na lang din ako."

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now