#SMASP 83: Finale (PART I)

9.6K 408 60
                                    

Sorry po sa paghihintay niyo. Ang part 1 po ay supporting chapter ng part 2 kaya wag po kayong asyadpng mag expect sa chapter na ito. Ito lang po ang nakayanan ko. Feel ko kasi, hindi pa bumabalik ang drive ko sa pagsusulat and yet kelangan ko ng mag update. Sorry guys. Enjoy reading na lang po. Salamat po sa mga sumusuporta. Godbless. :)

---

"Baliwwww amputa!" Sabi nito na napakamot na lang sa ulo habang pasakay sa jeep. Hahaha.

Hindi na ako nagsalita. Ang dami kong iniisip pero sa kabila ng lahat, ang sarap pala sa feeling kapag nasabi mo na lahat ng gusto mong sabihin. Wala na kong hinanakit kay John Paul. Nasabi ko na lahat. Ganun pala yun? Para akong nabunutan ng tinik sa balakang. Sa balakang talaga. Ang sarap sa feeling.

"Bayad tayo Junggoy!" Sabi nito ilang minuto pagkaandar ng jeep. Epal, nagmomoment ako dito eh.

"Bakit! Bababa ka na ba? Excited?"

"Hala, sabi ko lang magbayad na tayo. Anjan yung wallet ko sa bag mo ah."

Oo nga pala. Dali dali ko ng inilabas ang wallet niya saka kumuha ng singkwenta pesos.

"Bayad po. Isang model at isang unggoy." Sabi ko sa driver saka iniabot ang pera.

"Unggoy daw pero mahal niya. Tsk. Pabebe."

Isang pamatay na titig lang ang itinugon ko. Wag siyang ano jan.

"Oo na! Sige na. Model ka na!" Bulalas pa niya saka umakbay sa akin.

----

"Mabuhay po! Welcome to KFC!" Bati ko sa customer kong napakaganda.

"Hello Justine." Bati nito matapos basahin ang nameplate ko. "Dalawang straberry sundae lang. To go." Sabi niya saka iniabot ang bayad. Nakangiti pa rin siya.

"Orders complete po. Thank you Ma'am."

"Ito oh. May nagpapabigay sayo." Sabi niya sabay abot ng paperbag. Sinilip ko ang laman, Jolly Spaghetti saka yum burger. Shocks, parang gusto ko ng mag out at kainin ito. Hahaha. "Yieee. Sino po nagpapabigay?" Tanong ko sa kanya.

"Ayun oh!!!" Sabi nito sabay turo sa entrance ng store. Si John Paul. Pakaway-kaway pang nalalaman.

"Girl effort pa yan maghanap ng plain na paperbag ha. Baka daw kasi hindi mo tanggapin pag Jollibee paperbag ang pinaglagyan. Hahaha."

"Syempre, matatanggal ako sa trabaho. Hahaha. Pasabi na lang sa kanya salamat ah. Anong pangalan mo?"

"Sige. Ako si Jasmine. Bilisan mo daw girl. Antayin ka daw niya. Bye. Nice to meet you."

"Sige sige. Salamat ulit." Sabi ko saka kumaway. "Next customer please."

----

"Pst!" Rinig kong sitsit pagkalabas ko pa lang ng store. Alas syete na ng gabi. Jusko, lugang luga ako. 5:30 ang out. Alas syete na nakaalis. Bwiset! Patuloy lang ako sa paglalakad. Asan na kaya ang unggoy na yun!

"Pst!" Rinig ko ulit. Dedma lang ako. "Bading!" Sabi pa niya. Dedma. Basta ako maganda. Hahaha.

"Pst! Ang sungit mo naman! Snob ka pala ah!" Sabi ulit. Letse, sinusundan ata ako. Makahanap nga ng guard.Hindi ko siya mabosesan, halatang pinapalaki ang boses eh.

"Pst! Bading na snob na mabilis maglakad! San ka pupunta?" Tanong nito.

"Eh di uuwi na!" Sabi ko saka lumingon. Punyeta, si John Paul pala. Tawa ng tawa. "Baliw ka!!! Ikaw lang pala yan"

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon