#SMASP 29: Just The Three of Us

8.6K 414 38
                                    

"Punyeta ang daming tao! Whooo!" Rinig kong sabi ni Ivy.

"True! Gusto ko na ngang tumakas friend! Sakit na ng likod ko." Sagot ko naman.

"Ayyy wow! Nahiya naman ako sayo. Kaka-in mo lang ng 9 ah. 10 pa lang oh. Kumusta naman kami? Alas singko pa lang andito na." –Lito.

"Hoy! Kahit maaga kayo kanina. Dumami lang naman ang tao nung nag-in na ako. Kaya hindi kayo masyadong pagod no. Wag nga ako bakla. Saka sino ba nagpapasok sa inyo ng alas singko?" Pambabara ko kay Lito.

"Si Ma'am Aya. Baket!"

"Oh di dun ka magreklamo! Hahaha. Saka bakit ang aga niyo?" Sunod na tanong ko habang nag-aassemble kami ng orders.

"Girl, kami kasi nagkabit nung ibang decorations dito sa store. Parang shunga kasi yung inorderan ng mga decor na yan. Kagabi lang dineliver." Sagot naman ni Terrence.

"True! Alam mo naman, pag bakla magagaling sa decorations yan." –Lito.

"Hindi rin. Eh bakit si Ivy? Bakla din yan diba?" Tanong ko naman.

"Si Ivy? Nako! Walang talent yan! Buhay lang yan! Hahaha."

"Tangena niyo ah. Kung pag-usapan niyo ko parang wala ako rito ah." Bulong ni Ivy habang nagte-take ng orders.

"Tse! Singit ka nga singit sa usapan. Hahaha." –Lito.

"Si John Paul asan na! Di man lang tumulong dito eh! Petiks na naman ang letse." –Imbyernang sabi ni Ivy.

Paano ba naman kasi, lampas 10 na wala pa si John Paul. Tapos ang haba pa ng pila. Puro big orders. Puro couples.

"Hello good morning. Si Ma'am Aya ito. Hello Pearl. Pasok ka na ASAP please. Sobrang dami ng tao. Naluluga na kame. Salamat. Happy Valentines."

"Hi good morning! Pia! Baka kaya mo naman pumasok ng maaga please. Sobrang dami ng tao. Naluluga na kame. Sige sige. Salamat. Happy Valentines." Rinig kong sabi ni Ma'am Aya sa telepono.

"Madam!!! Tumawag ka na ng resbak! Hindi na namin keri! Sobrang dami talaga ng tao. Naluluga na kame." Pakiusap ni Lito kay Ma'am Aya.

"Tapos na girl! Natawagan ko na si Pia at Pearl kaya wag kang ano jan. Parating na yon. Taga jan lang naman yun sa may sakayan ng Jeep. Chill. Hahaha." Sagot ni Ma'am Aya habang tumutulong sa pantry.

"Ma'am! Asan na ba si John Paul! Nganga na kame nila bakla dito! Whoooo! Patayin niyo na lang kame!" Sigaw ni Ivy habang nagawa ng Krusher.

Natatawa na lang ako sa kakulitan ni Ivy. Kahit lugang luga na eh nakukuha pa ring magpatawa.

"Anjan na yon. Nagbibihis na kanina eh. Saka okay lang yan friend! Kaya mo yan. Malaki naman sasahurin mo niyan. Hahaha."

"Chareng! Malaki nga! Pambili naman ng kabaong! Hahaha."

Sabay sabay na lang kaming nagtawanan. Kahit si Lito na nag-oorder take ay hindi mapigilang matawa.

"Kalma lang kayo! Andito na ako!" Biglang eksena si John Paul.

"Nyeee! Ano ka superhero? Trabaho friend! Hindi puro petiks! Alalahanin mo bayad ka!" Pabirong sabi ni Ivy.

"Ayyy! Ikaw ang magtrabaho friend! Dapat sayo may sipag at tyaga! Alalahanin mo, panget ka! Hahahaha." Sagot naman ni John Paul.

"Bwisit ka talaga!!! Uhmmmm!!!" Sabay kurot kay John Paul.

"Awwww! Aray ko! Ii-email kita sa agency! Bayolente ka!"

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now