#SMASP 50: Pride

6.8K 375 146
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula nung eksena naming iyon, pero sa loob ng isang linggong yun eh anjan naman si Mickey. Nako, hindi ako ang unang lalapit sa kumag na John Paul na yon no! Kung dati ako lagi ang unang nalapit kahit na siya naman ang may mali, pwes ngayon hindi na! Ano, lagi na lang siyang napagbibigyan. Paulit-ulit na lang. Porket alam niyang mahal ko siya, ganyan na lang ang gagawin niya! Letse siya!

Isang linggo na rin akong stressed kakaisip. Syempre part of me ay namimiss si John Paul. Hindi na rin naman ako galit sa kanya. Hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kapwa. Talagang inaantay ko lang siyang mag-sorry. Sorry na hindi niya kayang ibigay.

Nako, hindi talaga ako ang unang lalapit kahit abutin pa kami ng pagdating ng Dakilang Lumikha. Never!!!

"Bakla! Dumaan akong paseo kahapon. Hinahanap ka ni John Paul." Pambungad na bati ni Terrence pagkapasok nito ng counter area.

"Anong hinahanap! Ako hahanapin niya? Pakyu siya. Dapat sinabi mo nagresign na ako!" Inis na sabi ko.

Hinahanap niya pala ko bakit hindi siya magpunta dito. Ano? Hinihintay na naman niya na ako na naman ang unang lumapit? Nako hindi talaga! Hello. Lagi ko na lang siyang iniintindi no. Lahat ng topak niya saka mga kagaguhan niya sa buhay.

Bahala siya. Matuto siyang magpakumbaba hindi yung puro pride ang inaatupag niya. Ako nga lagi ko na lang siya iniintindi sa mga mali niya dahil mas pinipili ko yung pinagsamahan namin kesa sa pride pride na yan. Nagkamali lang ata ako kasi masyado na siyang nasanay.

"Oo nga. Hinahanap ka nga teh!" Sabi pa ni bakla.

Hayyy nako. Ngayon hinahanap hanap ako. Tapos pag anjan naman binabalewala. Gago siya.

Lumipas pa ulit ang ilan pang mga araw. Hanggang ang di pagkakaunawaan ay umabot na ng isang buwan. Wala kaming pansinan. Wala kaming komunikasyon ng kumag na yon. Hindi na rin siya nagpapakita at nagpaparamdam sa akin.

Pero kahit anong pilit ko. Hindi talaga ako makausad. Oo inaamin ko miss na miss ko na siya. Lagi ko na nga siyang bukambibig eh. Lagi ko ngang kinikwento yung mga sweet moments namin. Lagi ko yung naaalala.

Siya kaya? Naaalala niya kaya ako? Unfair ko masyado kasi kahit si Mickey ang lagi kong kasama eh siya pa rin ang naiisip ko. Lagi ko na lang siya naiisip. Ganito ba talaga pag nagmahal? Nagiging tanga? Kung ganito lang pala. Sana hindi na lang ako nagmahal. Nakakainis.

"Awwwwww!" Sabi ni Mickey nang yakapin ko siya ng mahigpit.

"Arte mo naman. Payakap lang eh." Sagot ko.

"Kanina ka pa nga jan yakap ng yakap eh." Natatawang sabi nito.

"Ayaw mo ba? Hahaha." Ako.

"Hindi ah. Sarap nga eh. Hahaha."

Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Ma'am Aya. Ano kayang ginagawa ng babaeng ito dito? Kaloka.

"Madam!!! Namiss kita! Haha. Kumusta na Ma'am?" Bati ko rito saka nakipag-beso.

"Keri lang bakla. Nag-iikot ikot lang ako. Nanghihiram ako ng stocks eh." Sagot nito. "Oyyy nga pala. Kumusta ka daw sabi ni John Paul. Galing ako dun kanina." Dugtong pa nito.

"Nako, lagi naman yung ganun. Halos lahat na ata ng makikita niyang taga-KFC SM eh tinatanong. Hinahanap pala ko Ma'am eh bat hindi siya magpunta dito diba? Saka alam naman niya yung bahay namin. Wag nga siyang ano jan." Sagot ko.

"Hahaha. LQ pa rin pala kayo." Pabirong sabi nito.

"Eh siya kasi. Akala naman niya susuyuin ko pa siya no. Ano siya, siniswerte?" Sagot ko.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now