#SMASP 52: Sayang

6.5K 381 48
                                    

Vote muna please. Salamat po. Enjoy reading. :)



"Para po!" Sigaw ko sa driver ng mapatapat kame sa babaan. "Para!" Sigaw din ni John Paul saka dali daling bumaba at sumakay ng tricycle.

Letse lang. Ako tong malapit sa labasan ng jeep pero nauna pa siyang bumaba. Ibang klase. Iwas na iwas. Kung isa ka sa mga sakay ng jeep. Iisipin mo talaga na hindi kami magkakilala, at naiinis ako sa part na yon! Nakakairita!

Ano? Ganon lang ba talaga kadali para sa kanya ang kalimutan ang mga pinagsamahan namin? Kinain na talaga siya ng pride niya. Hayyy. Kung tutuusin. Ang tagal na nung away namin na yun eh. Halos dalawang buwan na nga.

Halos hindi ko na nga rin matandaan kung anong pinag-awayan namin eh. Sakin okay na yun eh. Napatawad ko na siya at hindi naman ako galit. Kung hindi niya kayang magsorry okay lang. Wala kong magagawa. Pero hindi yung ako pa rin ang unang papansin sa kanya. Kahit dun man lang. Kahit simpleng Hi lang eh. Kahit yun lang. Pero wala pa rin. Anong klase kang nilalang John Paul! Naiinis ako sayo! Naiinis ako sa ugali mo!

Hindi na ako sumakay sa tricycle na sinakyan niya. Bakit ko pa hahabulin ang taong umiiwas sakin? Kahit miss na miss ko na siya, hindi ako ginawang maganda para maghabol sa lalaki. Bahala siya sa buhay niya! Mamuhay siyang miserable! Kung ganyan siya ng ganyan. Mauubos lahat ng kaibigan niya. Nakakainis. May ganyan palang pag-uugali!


***


Rest day ko ngayon at ako naman ang pupunta sa SM para makipagkita kay Mickey. Alas dos ang out niya ngayon at alas dos na rin eh nasa bahay pa rin ako. Keri lang naman dahil lugain naman ang isang iyon kaya malamang alas tres pa yun makaka-out. Hahahaha. Ang sama ko.

Sinukbit ko na ang bag ko saka lumabas ng bahay at naglakad papunta sa terminal ng tricycle.

"Oyyy!!! Tine!" Pagbati ni Owang habang naglalakad ako palapit sa terminal. Kababata ko yan, ewan ko ba kung bakit to nagtyatyaga mamasada! Eh may kaya naman sila!

"Bakit?" Sigaw ko habang naglalakad.

"Yung boyfriend mo andun pa! May naiwan ata! Bumalik eh!" Sigaw din nito.

"Ha? Hoy Owang grabe ka! Wala akong boyfriend no! Tsismis yan!" Sagot ko ng makarating na sa terminal.

"Nako! Tinanggi pa! Diba boyfriend mo yun si John Paul! Yung nangungupahan jan?" Sabi pa nito.

"Hoy hindi ko yun boyfriend! Tropa ko lang yun." Sabi ko.

"Hindi daw, eh lagi mo ngang kasabay pumasok saka umuwi! San ba ang lakad niyo ngayon? Parehas pa kayong naka-pula ha." Nakangiting sabi niya.

"Hahaha. Hoy hindi ko nga yon boyfriend. Saka wala kaming lakad no." depensa ko.

"Nako. Halatang kinikilig ka nga eh! Sumakay ka na dito!" Sabi nito sabay turo ng back ride seat.

"Hahaha. Pramis, hindi ko yun boyfriend." Sabi ko pa.

"Ahhh, siguro hiwalay na kayo! Hahaha. Sayang, bagay pa naman kayo." Sabi niya.

"Luko luko! Hahaha. Tara na! Baka naiinip na yung kikitain ko sa SM eh. May aura ako ngayon! Hahaha."

"Mamaya, hindi pa puno eh. Kulang pa isa." Sabi nito saka ini-start ang tricycle niya.

"Oh kala ko ba kulang pa! Bat aalis na?" Takang tanong ko.

"Pupuntahan ko na si John Paul. Andito na kasi yun kanina. Naiwan lang ata yung wallet kaya umuwi ulit." Sabi pa nito.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang