PABEBE 80

8.1K 439 41
                                    

Ito na po. Pasensya na. Super busy talaga. Revision ang thesis namin. Okray! Wag na lang po kayo masyadong mag-expect. Hehehehe. Vote please!!! Salamat po. :)

----
"Tutal nasasabi mo kay Terrence at Gino na mahal mo ako, kayong tatlo na lang ang magmahalan. Tangena niyo!" Sabi ko pa saka tumayo.

"Ba-bat ka ba nagagagagagalit! Ano bang ginawa ko na naman? Ssss-sige subukan mo kong iwan dito. Ya-Yari ka sakin."

"Ganyan ba tingin mo sakin! Tara na!" Sabi ko saka inalalayang tumayo. "Punyeta ka! Ang bigat mong unggoy ka!!!" Hindi ko talaga siya kayang alalayan kaya isinandal ko muna sa upuan at naglakad palabas ng bar.

"HOYYYYYY!!! JUSTINEEEEEE!!! SIGE IWANAN MO KO DITO!!! SUBUKAN MO LANG TALAGA! Kahit kelan hindi kita jan iniwan pag lasing ka ha." Pagtawag nito sakin.

"Pwede ba! Manahimik ka!!! Tatawag lang ako ng tricycle! Ang ingay ingay mo!!!"

"Aaaa-akala ko i-i-i-iwan moo ko eh. Wala pa naman akong pera." Sabi pa nito bago ako lumabas ng tuluyan. Jusko. Pasaway na unggoy. Ang ingay ingay.

Sa bahay ko na pinatulog tong kumag na to. Tutal wala naman ang Nanay kong gala. Umuwi lang ata yun dito para magpalit ng panty. HAHAHAHA. Napakalayas talaga ng Babaeng yun! Hindi na napirmi.

---

"Sir, baka naman pwede ko yang tanggihan. Sir, lagi na lang po ako ang napupunta sa SM. Ang dami naman po namin dito." Pagtanggi ko sa Restaurant General Manager namin. Kainis, ibabalik na naman ako ng SM eh. Lagi na lang ako.

"Isang Linggo lang naman Tine. Dadating kasi ang mga Big Boss sa ibang bansa. Alam mo namang model store ang SM Sta. Rosa. Kaya inilalagay doon ang mga mababangis na crew, saka mga magaganda. Hehehe." Jusko si Sir, nambola pa.

"Sir, ayan na naman yung isang Linggo, tapos aabot na naman ng isang buwan. Nagtatampo na ko sayo Sir, parang pinapamigay mo na ako doon." Pag-iinarte ko.

"Jusko Tine, kung alam mo lang kung ilang beses ko kayong gustong i-pull out doon noon. Syempre kulang din naman tayo dito ng counters, kaso wala naman akong magawa, desisyon yun ng upper management, kelangan ko lang sumunod. Saka mga Big Boss yung dadating. Kelangan dun ka mag-duty dahil diba, ikaw yung Big Bang Queen, at SM Sta. Rosa ang hawak mong title kaya kelangan andun ka."

"Ganun ba Sir. Nako ha. Isang Linggo lang. Mag-a-AWOL ako pag lumampas. Hahaha."

"Hahaha. Dun ka muna hangga't hindi dumadating yung mga Big Boss."

"Halaaa. Bahala ka jan Sir. Kainis ka."

"Hahaha. Wag ka na magtampo. Ito naman. Last duty mo dito ngayon, bukas dun ka na ha."

"Opo Sir. Kainis ka! Hahahaha."

"Hahaha. Sorry na. Sige na, sayo na ang manager's meal ko."

"Hahaha. Di na Sir. Nagjojoke lang ako."

--

"Oh bat nakabusangot ka, yung ilong mo nalubog." Pagsalubong ni John Paul sa akin pagbalik ko sa counter area. Masyadong maraming tumatakbo sa isip ko kaya di ko na makuhang magsalita.

"Hoyyy! Kinakausap kita!"

"Ano ba yon! May iniisip ako!" Sagot ko, nagulat ako. Biglang nagtaas ng boses.

"Bat ka ba nagagalit!!! Nagtatanong lang ako!"

"Ewan ko sayo! Dumadagdag ka pa sa stress ko!" Pagsusungit ko. Naiirita ako, nagtataas agad ng boses eh. Pwede naman magsalita ng maayos.

"Nagtatanong lang ako, nagagalit ka kaagad!"

"Tsk! Pwede ba. Tumahimik ka muna." Naiistress ako. Hindi na ako napirmi sa isang store eh. Lagi na lang ako ang nabubunot para magduty sa SM. Okray. "Kumain ka na."

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now