#SMASP 32: Beers and Cocktails

7.8K 368 8
                                    


"Kanina mo pa ko tinitingnan jan ah. Ikaw ahhh. Siguro nagagwapuhan ka sakin ngayon." Pagkausap sakin ni Kenjie habang nakatingin sa rear view mirror ng kanyang kotse at nagmamaneho.

Nasa biyahe kame ngayon papuntang MoA. Favorite place niya daw kasi dun sa may seaside. Mag-aalas otso na ng gabi at medyo matraffic na rin pagkalampas ng expressway.

"Oo na. Pogi ka na. Nako lalaki na naman ulo niyan, nasabihan na pogi eh. Hehehe." Sagot ko naman.

"Matagal na po akong gwapo. Kaya sanay na po ako. Hahaha." –Kenjie.

"Nyiii. Tigilan nga ako. Oo na nga lang. Hahaha." Sagot ko ulit sabay lipat ng istasyon ng radyo. Nakailang pindot pa ako bago matigil sa isang istasyon, pangarap ko ang ibigin ka ang pinapatugtog eh. Syempre hindi ko palalampasin yan. Regine yan eh. Hahaha.

"Ayan, bet ko yan." Sabi ko ng marinig ko ang kanta.

"Favorite mo yan?" Tanong ni Kenjie.

"Oo, saka favorite din yan ni John Paul." Sagot ko.

"Wow ha. Talagang alam mo kung anong favorite song niya ah."

"Nun ko lang yun nalaman nung sa bar. Sabi niya galingan ko daw kasi favorite niya daw yun eh."

"Ahhh, kaya ginalingan mo talaga. Hahaha."

"Syempre."

"So para sa kanya yung pagkanta mo dun sa bar?"

"Hindi naman. Gustong gusto ko kasing kantahin talaga yang kantang yan. Maganda kasi yung mensahe."

"Sabagay. Pero, infairness sayo ha. Ang galing mo talaga kumanta non. Halos lahat ng mga nanunood hanga sayo nun eh. Haha."

"Lasing lang ako nun. Hahaha."

"Hahahaha."

Oh kay tagal ko nang naghihintay...

na sa akin ay mag-aalay..

ng pag-ibig na tunay at di magwawakas.

Whoooo. Pangarap ko ang ibigin ka...

At sa habang panahon ikaw ay makasama....

Pagsabay ko sa kanta habang nakatingin sa bintana ng sasakyan, si Kenjie naman ay pasipol sipol lang. Hindi ko namalayan at nasa may Taft LRT na pala kami banda at ilang minuto na lang ay makararating na sa Mall of Asia.

Puro love songs talaga ang mga pinapatugtog. Malamang, ano pa nga bang aasahan ko eh Valentines Day nga ngayon. Ilang couples na rin ang nadaanan namin ni Kenjie. Halos lahat ng mga kababaihan ay may dalang mga bulaklak. Mamaya nga, bibitbitin ko talaga yung isang boquet na bigay ni Kenjie. Kala niyo ha. Isang boquet yon! Isang boquet! Ulit ulit. Isang boquet. Hahahaha.

"Tsarannnn! Andito na tayo! Mall of Asia. Sea Side." Masayang sabi niya kasabay ng pagpatay ng makina.

"Natawa naman ako sa Tsaran Tsaran mong nalalaman! Hahaha."

"Bakit ba! Hahaha." Pagkasabi nun ay bumaba na siya at umikot sa passenger's seat at pinagbuksan ako ng pinto. "Tara na My Queen!" Sabay abot sakin ng kamay niya.

"Hala! Hahahaha. My Queen?" Inabot ko naman ang kamay niya at lumabas na ng kotse.

"Let's go!" Sabay sara ng pinto at pinindot ang lock.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now