#SMASP 31: Dinner Date

8.1K 370 9
                                    


A/N: Sorry po sa napakatagal na update. Ewam week po kasi. Hope you understand. Vote po kayo and comment. Maraming salamat. Enjoy Reading!


-------


"Oh! Bakit ang aga mo? Kala ko ba 8 ka pa out?" Tanong ni Kenjie habang kinukuha yung bag at paperbag na dala dala ko.

"Eh wala naman ng masyadong tao eh. Saka ang dami nila dun. Kaya na nila yun. Kaya pinag-out na kami ni Ivy. Tara na!" Sagot ko naman.

"Tara!" Sabay tayo at naglakad na palabas ng store. Ako naman ay sumunod na.

Nakatingin samin ang mga customer na malapit samin. Paano ba naman ay napakagentleman nitong si Kenjie. Bitbit ang shoulder bag ko at ang paperbag na bigay niya kania kaya ang tanging dala ko lang ay ang isang boquet ng Red Roses. Ang sweet! Feeling ko talaga ay babae ako. Haha. Pagkarating sa kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto at saka umikot sa driver's seat.

"Ang aga pa. Ano? San tayo punta? Taong ni Kenjie habang pinaandar ang sasakyan.

"Aba! Ewan ko sayo. Haha."

"Kain muna tayo! Para hindi tayo gutumin mamaya." Sabi ni Kenjie habang dahan dahang pinaaandar ang kotse. Tumango na lamang ako bilang pagtugon.

Mahigit isang oras ang biniyahe namin dahil sa sobrang traffic. Sobrang gutom na rin ako. Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa restaurant na kakainan daw namin ni Kenjie.

"Andito na tayo! Sa Dine and Chill Restaurant! Masarap dito.." Sabi ni Kenjie sabay baba ng kotse at umikot sa passenger seat para pagbuksan ako ng pinto.

"Ang susyal naman dito. Hehehe."

"Syempre! First date natin to eh. Kaya kelangan espesyal. Hehehe." Sagot ni Kenjie sabay kindat.

"Baliw!"  Nakangiting sabi ko.

"Good Evening Ma'am Sir. Welcome to Dine and Chill. Happy Valentines." Pagbati ng guardiya.

"Good Evening din." Bati namin ni Kenjie at nagpatuloy na naglakad papunta sa receptionist. "Miss, yung pinareserve ko pong table for two. Kenjie Madrigal."

"Ahhh. Okay Sir. Dito po tayo sir!" Akay samin ng receptionist sabay lakad papunta sa isang parte ng restaurant.

Inalalayan ako ni Kenjie na makaupo. Yung ginagawa ng mga lalake pag nakikipag-date sila sa babae. Ang lakas lakas makababae. Feeling ko talaga ay dalagang dalaga ako. Pagkaupo ni Kenjie ay lumapit na ang waiter at pumwesto sa gilid namin.

"Give us all you best selling dishes, drinks and desserts. Thank you." Sabi ni Kenjie sa waiter. "Okay Sir." Sagot nito at naglakad na palayo.

"Grabe, baka naman sobrang mahal yun, best sellers eh. Hahaha." Sabi kong nahihiya kay Kenjie.

"Okay lang yun ano ka ba? I want this dinner to be memorable and special." ­-Kenjie.

"Thank you ha. Hindi ko alam kung bakit mo to ginagawa sakin. Kung bakit ang sweet sweet mo sakin. Pero maraming salamat."  Nakangiting pasasalamat ko na sinuklian din naman niya ng isang ngiti.

"Alam mo sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko rin to. Sa katulad mo pa. Saka nag-eenjoy naman ako eh. Mukha namang nag-eenjoy ka rin. Siguro yung sagot kung bakit ko to ginagawa ay hindi ko pa alam sa ngayon." –Mahabang sagot ni Kenjie.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now