#SMASP 56: Laugh and Love

7.2K 403 46
                                    

Good vibes lang po muna tayo. Sa susunod na ulit ang mga mabibigat na eksena. Hahaha. Don't forget to vote and comment. Follow na rin po. Ganern! Hahaha.

---



[JUSTINE]


"I love you John Paul." Sabi ko sa kanya ng harap harapan. Napangisi lang siya.

"Lasing ka na Unggoy.. Hahaha." Sabi nito. Kainis! Wala man lang I Love You Too. Hahaha. Akala ko pa naman meron.

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa leeg niya at saka inikot ako patalikod sa kanya. Nasa likuran ko na siya.

"Wag mo kong bitawan! Baliw ka talaga!" Sabi ko ng akala ko ay bibitawan ako nito. Hinawakan ako sa kamay para hindi ako lumubog.

"Hindi kita bibitawan! Lulubog lang ako. Hahaha." Sabi nito saka dali daling nilubog ang ulo sa tubig. Halos magtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang kagatin ako nito sa likod. Siraulo talaga to eh.

"Gago ka talaga!" Sabi ko pagkaahon nito. Sinabunutan ko pa siya. Pagkatapos ay kinurot sa may tagiliran. Agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at saka ako niyakap mula sa likod.

"Bawal mangurot!!!" Natatawang sabi nito. "Pag nangurot kakagatin ko!"

Hindi talaga ako makapiglas sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Wala akong sapat na lakas dahil nga sa kalasingan. Nakakainis. Hahaha. Pero naeenjoy ko naman ang pagyakap ni John Paul.

"Panget mo Justine." Bulong nito. Himala ata. Justine ang sabi, hindi unggoy.

"Mas pangit ka!" Sagot ko naman. "HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAA" Napatawa ako ng malakas ng ikuskos niya sa batok ko ang bigote niya. Nakakakiliti. Hayyys. Feeling ko ang landi landi ko na.

"Dun na tayo sa mababaw. Para makatayo naman ako." Sabi ko rito kahit na nasa likod ko siya. Nasa may balikat ko ang mukha niya dahil nakayakap siya sakin.

"Ayoko nga! Dito lang tayo sa malalim. Hahaha. Saka sino ba ang Boss?"

"Ako!" Sagot ko.

"Oh siya! Kung gusto mo dun sa mababaw, lumangoy ka! Hahaha. Ano! Bibitawan kita. Boss ka pala eh! Hahaha."

"Ihhhhh! Nakakainis naman eh! Hindi nga ko marunog eh!" Pag-iinarte ko.

"Hala! Hala! Pabebe na naman ang unggoy! Kainis!" Pang-aasar niya.

"Choi!!! Choi!!!" Pagtawag pansin ko sa isa naming ka-crew na palangoy langoy lang.

"Oh bakit?" Tanong nito.

"Hatid mo nga ko dun sa mababaw! Nakakainis kasi to si John Paul eh. Dali!" Sabi ko saka nagpumiglas sa pagkakayakap ng kumag na to. Lalong hinigpitan ni John Paul ang pagkakayakap at saka dinala ako sa mas malalim.

"Wag daw eh! Sabi ni John Paul. Hahaha." Sabi ni Choi saka lumangoy palayo. Pumihit ako para tingnan si John Paul ng masama.

"Ano? Ang sama ng tingin mo? Wala akong sinabi ah. Narinig mo ba ko nagsalita?" Depensa nito.

"Dali na kasi Junggoy. Dun na tayo sa mababaw." Pag-iinarte ko.

"Panget dun. Walang thrill. Hahaha."

Ngayon, halos mag-iisang oras na kami dito sa malalim na parte ng pool. Kung ano anong pinagkikwentuhan. Kulitan at harutan. Moment naming dalawa to. Hahaha. Isa isa ng nagsibabaan sa pool sila Ivy at Ma'am Aya pati ang dalawang bakla.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon