#SMASP 17: Wrong Timing

8K 457 9
                                    

Vote muna please. Salamat po. Enjoy reading. :)



[JUSTINE]





"Hoy te. Sahod na bukas. Bukas ng gabi na rin yung sinasabi ni John Paul na magba-bar tayo! Sumama ka ha. Nako pag di ka sumama isasawsaw ko kamay mo sa kumukulong mantika!" Chika sakin ni Ivy habang nagpupunas ng plato. Opening kaming dalawa ngayon.

"Oo naman. Sasama talaga ako no. Excited na nga ako eh."

"Eh pano, may aura ka na naman kasing bakla ka. Nako ha. Wag kang papakabog kila Terrence at Lito. Kelangan ikaw ang pinakamaganda pagkatapos ko!" -Ivy

"Ay nako Ivy, kabahan ka nga sa mga sinasabi mo. Mas maganda pa nga sayo tong tsinelas ko eh. Hahahaha" –Pagsingit ni Ma'am Aya sa usapan.

"Ay grabe siya oh. Tsinelas talaga. Magtrabaho ka nga don Ma'am! Hahahaha. Chareng." –Ivy

"Aura agad. Excited lang talaga ako na makasama kayo sa mga ganung jamming. Haha. Magiging masaya yon sigurado." Sagot ko.

"Magpapraktis na nga ako ng pole dancing mamaya eh." –Ivy

"Ay kadere! Hindi na lang ako sasama kung ganyan ang gagawin mo Ivy. Kasuka!" –Ma'am Aya

"Ayyy, ang ganda naman ni Ma'am. Makalait sa akin oh. Palibhasa inggit sa boobs ko!" –Ivy

"Ayyy ang kapal mo friend. May boobs din ako. Di ko kelangan ng sayo. Hahahaha. Baka si Justine kelangan ng suso para bukas. Bigyan mo friend." Mam Aya.

"Ewwww Madam! Magsusuksok na lang ako sa dibdib ko ng nirolyong diaper kesa tanggapin yang boobs ni Ivy. Hahaha." –Ako.

"Alam niyo! Wala na akong narinig na maganda mula sa inyo. Murahin ko kayo! Hahahahaha." –Ivy

"Eh kasi friend wala namang nakikitang maganda sayo. Pero mabait ka friend! Hahahaha" –Ma'am Aya.

"Tangena niyong dalawa! -_-" –Ivy

"Tse!" –Mam Aya

"Hoy! Sure na tayo bukas ng gabi ha. Nako. Wala ng atrasan. Nakalista na kayong lahat. Kung hindi kayo sasama, mag-aambag pa rin kayo! Hahaha." – John Paul

"Oo na, manahimik ka na. Bukas pa naman yon." Pambabara ni Ivy!

"Ikaw Justine! Sasama ka ba?" –John Paul.

"Oo nga, nag-confrim na ako sayo kahapon ah!" Salubong ang kilay ko.

"Ang sungit mo naman!" –Masungit na sabi rin nito. Hahaha. Ang pogi!

"Busy kami. Hahaha." –Ivy

"Basta yung mga opening bukas pumunta na agad, para maaga tayo magsimula. 8PM ang start ng reservation ng table natin doon eh. Sayang naman kung late na tayo pupunta." –John Paul.

"Sige, sige! Opening naman ako bukas eh. Out ako ng 2. Makakapagpraktis pa ko ng pole dancing pag-uwi!"-Ivy

"Ano?" –John Paul

"Pole Dancing nga!" –Ivy

"Kadiri ka!" –John Paul

"Tse!!! Kadiri agad! Hahaha." –Ivy

"Kumain ka na lang ng buhay na pusa te para matuwa kame." –Natatawang sabi ko.

"Oo nga. Hahahaha." Natatawang sabi ni John Paul.

"Baket naman?" –Ivy

"Kasi kung papipiliin kami kung anong mas nakakadiri. Kung magpo-pole dancing ka o kakain ka ng buhay na pusa, mas nakakadiri yung magpole dancing ka! Hahahaha." –Ako.

"Tangena mo bakla, kala ko kakampi kita! -_-" –Ivy

"Joke lang friend. Bait bait mo. Labyu! Muah!" –Ako.

"HAHAHAHAHAHAHA." –John Paul

"Wag ka ngang tumawa John Paul!!!" –Ivy

"Ok." –John Paul

"Btw, 3PM ang out ko bukas, si Gino 4PM, Si Mam Aya at yung iba pa. 5PM. Bale mauuna na kame dun sa Venue. Tapos yung iba susunod na lang after ng closing. Ikaw ba Justine? Anong oras out mo bukas?" –John Paul

"7PM out ko bukas eh. Baka mauna na don sila Terrence at Lito. Pati si Miguel." –Ako

"Ahhh sige, kung gusto mo sunod ka na lang pagkaout oh kaya antayin mo na lang ang mga closing." –John Paul

"Basta bahala na." –Ako

"Basta pumunta ka ha!" –John Paul

"Oo nga! Hala siya oh!" –Ako

"Para marami tayo! The more, the merrier diba." –John Paul

"Tse! Bilisan niyo kilos, naluluga na ako! Dami ng tao oh!" -Ivy

"HAHAHAHA"

Iniisip ko kung wala na ba talagang topak to si John Paul, napapansin ko lang kasi na kinakausap na niya ako eh. Kahit na medyo naiilang pa ako sa kanya kasi nga, una pa lang, inilayo ko na ang loob ko sa kanya. Sa totoo lang, naiinggit nga ako kila Terrence at Lito kasi sila, close nila si John Paul at hindi sila sinusungitan. Diba? Ano ba kasing ginawa ko, talo pa nya ang naglilihi eh. Lagi na lang siyang nagagalit sa akin. Lagi na lang akong iniinis at pinagti-tripan.

Pero ewan ko lang ngayon ha. Feeling ko talaga nagbabago na siya.

Si Gino naman, oo crush ko siya. As in, sino ba namang hindi? Gwapo na nga, mabait pa, nasa kanya na ata lahat. Pero alam ko namang wala kaming pag-asa no. Masyado naman akong assuming nun! Hahaha.

Unang-una, straight guy siya! Pangalawa, focus talaga siya sa study niya. Bilib nga ko dun eh. Alam mo yun, focus na focus sa goal niya sa buhay. Sana kaya ko rin yung gawin.

Ewan ko ba, feeling ko pag na-fall ako sa kanya, mali talaga. As in. Kasi magugulo ko siya. Baka makasira pa ako sa pag-aaral niya.

Minsan nangangarap ako na may gusto siya sakin, the way na tingnan niya ako, ngitian niya ako, yung mga pag-aasikaso niya saka mga ka-sweet-an, hindi ko maiwasang isipin na may laman yun. Baka gusto niya rin ako? Pero lamang talaga ang salitang imposible! Parang binato ko ang buwan kahit na alam kong hindi ko naman yun tatamaan! Ano daw!?

Saka kung sakaling gusto niya ako. Kung sakali lang ha. Ayoko namang ma-distract siya sa goals niya. Kaya iniisip ko rin minsan na kalimutan na lang ang nararamdaman ko para sa kanya at manatili na lang na hanggang kaibigan ang pagtingin ko.

Oo gusto ko siya, as in gusto ko talaga siya, pero mas magiging masaya ako kung matutupad niya ang mga pangarap niya.

Saka isa pa, madami naman jan eh. Ayaw ko lang talagang makasira sa focus ni Gino.

You know, sacrifice ang tawag dito. Hahaha. Saka kung kami talaga, eh di kami na! Pero hindi pa yun ngayon. Hayyyy. I guess, I had the right love at the wrong time.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now