#SMASP 36: Getting Sweeter

8.9K 418 15
                                    

Vote muna please bago magbasa. Salamat po.



"Tine! Tine! Gising ka na. Malapit na tayo bumaba." Mahinang sabi ni John Paul habang inaalog alog ang kamay kong nakasipit pa rin sa kamay niya.

Agad naman akong umayos ng pagkakaupo. Siya naman ay isinukbit na ang kanyang backpack sa likod.

"Para po." Sabi niya sa driver at saka bumaba ng jeep at kinuha ang bag ko. "Tara na! Bilisan mo. Ang bagal talaga eh!" Pang-iinis nito sakin habang pangiti ngiti.

"Teka lang. Kita mong kagigising lang eh." Sagot ko naman habang naglalakad patawid ng kalsada.

"Hahaha. Panget mo!"

"Tse!"

"Sakay na." Utos nito nang matapat kami sa tricycle na nakaparada. Dala niya pa rin ang bag ko. Agad naman akong sumakay. Antok pa talaga ako. Pagkasakay ay hinawakan na naman niya ang kamay ko. Kainis. Nasasanay na tuloy ako. Baka sa bandang huli ay hanap hanapin ko na ito.

"Kelan rest day mo?" Tanong niya.

"Bukas." Maiksi kong sagot.

"Oyyy sakto. May lakad ka bukas?"

"Wala naman. Bakit?"

"Rest day ko rin bukas eh. Gala tayo!"

"Saan naman?"

"Kahit sa SM Calamba lang. Nuod tayo sine."

"Sine pa ah. Wala pa ko pera no."

"Hahaha. Ganto na lang. Ako sa sine. Ikaw sa pagkain." Suhestyon niya.

"Oo ba! Basta sa mamihan lang tayo kakain ha. Hahahaha."

"Oh sige ba. Okay lang! Hahaha."

"Go!"  Pag-sang-ayon ko.

"Bukas ah. 1PM."

"Oh sige."

Pagkatapos ng maiksing pag-uusap ay wala na. Hanggang makarating na lang kami sa tapat ng bahay namin. Still, holding hands. Bumitaw lang ito pagkababa niya ng tricycle.

"Ako na magbabayad." Alok ko rito sabay abot ng singkwenta sa driver.

"Tange! Bayad na. Kanina pa. Hahaha."

"Haaa!?" Gulat na tanong ko. Hindi ko kasi napansin na nag-abot siya ng bayad kanina.

"Uwi ka na?" Tanong niya.

"Oo."

"Lalabas ka pa?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko alam."

"Labas ka pa! Tambay tayo! Magbibihis lang ako." Pagyaya nito sakin. Antok na sana ako pero...

"Oh sige." Sagot ko at nagkanya kanya na kaming lakad pauwi.


-


"Good Morning Panget! Mamaya ha! 1PM." Unang text na nabasa ko pagkagising ko pa lang. Galing kay John Paul.

"Good Morning rin. Oo mamaya. Hahaha. Excited?" Reply ko.

"Ngayon ka lang nagising? Alas onse na ah." Reply nito.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now