#SMASP 7: Adjustment

10.8K 743 17
                                    

Sa mga offline readers po. Vote po muna kayo bago kayo mag-offline reading. Hahaha. Salamat.


----

[JUSTINE]

2nd day ko ngayon sa work, kaloka mga ate. 7:00 AM ba naman ang pasok ko ngayon, eh anong oras na ako nakauwi kagabi. Mabuti na nga lang talaga at may nasakyan pa ako. Kundi, ang layo ng lalakarin ko.

Antok pa ko. Ilang oras lang ang tulog ko. My Gosh! Haggard kapag ganito lagi. Nasa entrance pa lang ako ay natanaw ko na si John Paul, busy sa kung ano mang inaayos niya. Dumiretso na ako sa crew room para magpalit ng uniform.

Bakas sa mga mata ni John Paul ang puyat. Laki ng eyebags eh. Dalawa pa lang kami dito sa counter, at ang mga nasa pantry ay hindi ko pa nakikilala, hindi naman kasi sila nakaduty kahapon, sa kitchen naman ay si Gino pa lang ang kilala ko. Si Ivy naman ay mamaya pang 10:00AM, sabay sila nila Pia at Pearl , yung isang counter din na maagang nag-out kahapon.

Dalawa pa lang kami ni John Paul, mag-isa lang dapat siya kasi wala namang gaanong tao kapag ganito pa kaaga, kaya pinapasok na rin ako ng maaga para maturuan ako ng maayos. Syempre wala naman akong choice kundi pumasok ng maaga. Baguhan eh. At wala ding ibang magtuturo sa akin kundi si John Paul. Sana nga ay wag lang siyang masyadong istrikto. Anyways, base naman sa pag-uusap namin kahapon eh mukha naman siyang mabait.

Pero ayun na nga, nagkamali ako, istrikto pala siya magturo, gusto ba naman eh, matutunan ko agad lahat ng mga tinuturo niya sa akin. Saka di pa nga ako masyadong pamilyar sa mga products no. Hello, second day ko pa lang kaya ngayon. Kainis ha. Pag ako talaga natuto, "hu u?" siya sa akin. Buti sana kung everyday akong nakain sa KFC! Eh hindi naman dahil sa Jollibee ako nakain no. Hahaha. Isip bata.

"Kopyahin mo yung lahat ng nasa menu board. Yung mga composition at mga presyo." Utos niya sakin sabay abot ng bond paper. Syempre, kopya naman ako. No choice eh. Keenes.

"Ano? Tapos mo na ba kopyahin?" tanong ni John Paul.

"Hindi pa eh. Pero matatapos na ako."

"Ano ba yan, bawal ang mabagal dito ha! Pag-aralan mong kumilos ng mabilis. Bawal ang mga pabebe dito!" sabi ni John Paul. Grabe ha. Ano kayang problema niya at ang aga aga ay kasungit sungit. Baka naman kulang lang sa tulog. Nako, magtigil nga siya. Parehas lang kaming puyat no! Sabagay, alas singko ng madaling araw ang pasok niya kaya sige. Palalampasin kita ngayong unggoy ka!

Maya-maya pa ay natapos ko nang kopyahin. Kaya lumapit na ako sa kanya.

"Good, okay, upo ka muna dun sa likod, malapit sa CR, tapos imemorize mo yan lahat ha. Kailangan eh makabisado mo yan lahat. Tatanungin kita mamaya pagbalik mo." Sabi niya saka nagpatuloy na sa pagrerefill ng stocks. Nakakainis naman eh. Ganun ba talaga siya ka-bossy? Oh baka naman ganun lang ang style niya magturo! Ay ewan!

Bossy masyado. Napakamoody naman ng taong to. Kahapon eh hindi naman siya ganyan. Why is he like that? Baka menopause na. Hahaha. 'Ano ba Justine, puyat lang siya.' Pagkontra ng isip ko.

Tahimik akong nagmememorize, kakaupo ko lang at iilan pa lang ang nakakabisado ko. 9:45 na pala. Ang bilis ng oras. Sabagay, kanina pa naman ako dito. Sabay na nagmamadaling dumating sila Pia at Pearl. Malelate na daw sila kaya nagmamadali na silang magbihis.

"Ay oh, Gandaaaaa." –pagpansin ni Pearl sa akin.

"Ano yang ginagawa mo?" – Pag-uusisa naman ni Pia, umupo sa harap ko at nagmamadaling nagme-make-up.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon