#SMASP 51: Chance

6.5K 375 66
                                    

[MICKEY]


Pagkababa ko pa lang sa motor eh nabasa ko agad ang text ni Justine.

"Pumapayag na ko. <3" Text niya na ipinagtaka ko.

"Ha? Pumapayag saan?" Takang reply ko. Pakshet lang. Hindi nagsend. Wala nga pala akong load. Mabuti at nakaonline siya sa messenger.

"Tine? Wala kong load. Ano yung sabi mong pumapayag ka?" Takang tanong ko ulit. Nagtataka kasi ako baka mamaya wrong sent.

"Ano ba yung tanong mo kanina?" Reply nito. Hindi ko talaga matandaan. Nakakainis. So ibig sabihin hindi siya wrong sent. Ano bang tanong ko!? Hays.

"Hindi ko maalala eh. Hehehe. Saan ka pumapayag?" Reply ko.

"Ayyy. Bahala ka jan. Alalahanin mo kung saan ako pumapayag. Sagot ko yan sa tanong mo kanina. Ulyanin. Hahaha." Reply niya. Shet lang talaga. Memory gap! Hahahaha.

"Hahaha. Ano nga yun?" Reply ko. Sineenzone lang ako. Hayssss. Napapaisip tuloy ako kung ano yung mga pinag-usapan namin kanina. Kainis.

"Hi Babe!" Chat ni Karen. Isa pa tong babaeng to. Panggulo sa buhay eh. Nakakainis.

"Ayy seenzone." Chat ulit nito.

"San ka ngayon! I miss you so much Babe. Magkita naman tayo." Chat niya ulit.

"Karen ano ba! Kelan ka ba titigil? Wala na tayo! Matagal na. Wag mo na ko guluhin!" Inis na reply ko.

"Pero Babe. I really love you so much. And i'm sorry sa lahat ng mga mali ko. I love you Mickey."

"I don't love you anymore. Tumigil ka na Karen. May bago na kong gusto. Tigilan mo na ko or else iba-block kita." Reply ko.

"I'll win you back Mickey. Kailanman hindi ko tinanggap ang pakikipagbreak mo kaya tayo pa rin. I'll prove to you na tayo talaga ang para sa isa't isa." Reply niya.

Badtrip tong Karen na to. Nako, konti na lang talaga at iba-block ko na talaga siya.

"I'll prove to you na mas better pa rin ako jan sa kung sino mang nagugustuhan mo. K. Bye! See you soonest!"

Hindi ko na nireplyan, mukhang tanga eh. Hahahaha. Maghabol ka ngayon Karen! Wala na kong pake sayo!

"Nakauwi ka na ba?" Chat ko kay Justine.

"Hindi pa." Reply nito.

"Ha? Bakit hindi pa? Ako nakauwi na. Matraffic ba?"

"Andito pa ko SM." Reply nito.

"Nge!!! You mean nasa terminal ka pa rin? Grabe naman yan." -Ako.

"Hindi ah. Nandito kasi si Kenjie. Kumakain lang kami." Reply nito.

Kung hindi ako nagkakamali, ayun yung lalakeng nanliligaw sa kanya eh. Yung laging nagpapaabot ng bulaklak sa kanya, ako pa nga yung nauutusan magbigay nun dati. Tsk.

"Awww. Nakakaselos naman. :(" Reply ko.

"Baliw! Nakain lang kami, wag kang ano."

"Kahit na. Dapat sinama mo ko." -Ako.

"Hahaha. Eh biglaan eh. Basta, ipapakilala ko to sayo. Relax ka lang. Hahaha." Reply niya.

"Haysss." Reply ko saka pinatay ang cellphone. Matutulog na lang ako. Bwisit!


---


Grabe naman to si Mama, hindi man lang ako ginising. Nagugutom tuloy ako. Alas syete na ng umaga. Grabe sobrang haba ng tulog ko. At sobrang gutom ako! Agad kong binuksan ang cellphone ko, sakto nakaonline si Justine. Himala. Gising na siya ng ganitong oras.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now