#SMASP 16: John Fall

8.7K 484 6
                                    

Vote muna please bago magbasa, enjoy reading salamat po. :)





[JUSTINE]



"Ahhh. Ahmmm. Justine, sama ka? Magba-bar kami nila Ivy sa swelduhan?" Naiilang na tanong ni John Paul.

Himala, wala atang topak ang mokong na to. Hahaha. Kaming dalawa kasi ang opening counter ngayon.

"Uhhmmm, anong date na ba ngayon?" Tanong ko saka ngumiti. Sana naman world peace na! Hahaha.

"Feb 8, Wednesday."

"Ahhh eh di sa Friday na pala. Sa isang araw na yun ah. Ang bilis naman. Bakit? Anong meron?" Sunod sunod na tanong ko.

"Wala lang. Ang dami na kasing mga bago eh. Masaya yun kung magkakabonding tayo. Alam mo na. Para mas makilala natin ang isa't isa. Hehehe." Nakangiting sagot niya. What does he mean by saying "natin"? As in kaming dalawa? Hahaha. Himala!

"Natin?" Nagsalubong ang kilay ko. "Makilala natin ang isa't-isa? Tayong dalawa? Hahaha. Totoo ba ang naririnig ko John Paul? Hahaha."

Halatang namula siya sa sinabi ko. Kasi naman, kung maputi ako, di hamak naman talaga na mas maputi siya!

"Oo! Ayaw mo ba? Hahaha." Sagot niya na nagpangiti sa akin. Wow, totoo nga ang himala. Mamaya tatawag ako sa Vatican at sasabihing may nangyaring himala sa Pilipinas.

"Eh sino sino ba mga sasama?" Tanong ko. Para kasing papunta na sa awkward moment ang usapan eh.

"Marami tayo, Si Ma'am Aya, si Terrence, si Lito, si Pearl, si Pia, si Ivy saka si Gino, pati mga iba pa nating mga ka crew."

"Ahh yun naman pala eh. Sige ba, sasama ako."

"Masaya yun actually kagabi lang namin napagplanuhan. Hehehe."

"Kaexcite naman." ­-Ako

"Oo nga eh."

*awkward moment.*

Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Hahaha.

­Ayun, pagkatapos ng usapan namin na yun ay hindi na uli kami nagkausap ni John Paul. Bumalik na ata ang topak niya. Ako naman ay dedma lang. Hanggang sa nakapag-out na lang ako. Hahaha. Anyways, naeexcite naman ako sa pagba-bar na magaganap. Pumayag na akong sumama tutal eh wala naman akong gagawin dahil mag-isa lang naman ako sa bahay. Saka isa pa. Buti na lang sa Friday, sakto, closing ako ng Sabado kaya pwede na.

[JOHN PAUL]

Pagkatapos ng trabaho ay napag-isipan ko munang mag-gala gala sa SM. Isang sakay lang naman mula rito sa pinapasukan ko. Wala lang, trip ko lang gumala mag-isa.

Sa dami ng mga nakaka-stress na araw eh ngayon ko lang naisipan mag-gala. Napansin ko rin kasi na halos wala na akong time para magliwaliw. Wala na akong time sa sarili ko.

Nabulok na lang ako kakaisip sa mga bagay na hindi na dapat iniisip at binabalikan. Mga bagay na masasakit, mga masasakit na pinagdaanan at mga taong nakasakit. Narealize ko na wala namang mangyayari sa akin kung patuloy akong magpapatali sa kahapon. Kahapon na ako na lang ang bumabalik balik dahil ako na lang ang naiwan.

Siguro nga, panahon na para mag-move on. At sisimulan ko na ngayon. Sinabi ko na ito dati pero hindi ko naman nagawa, pero ngayon gagawin ko na talaga. Sigurokailangan ko munang hanapin ang sarili ko.

Ilang buwan din akong nagmukmok dahil sa Break up naming ng Ex-Girlfriend ko. Ilang araw na mas piniling malungkot at mag-isa. Pero wala rin namang nangyari dahil lalo lang akong nalugmok sa kalungkutan na ako lang din mismo ang gumawa.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now