#SMASP 68: Burden

7K 550 101
                                    

Vote muna bago magbasa! Aba!!!!

Sorry sa late update. Nag-14 hours straight duty kasi ako kanina kaya kelangan kong magpahinga. Hahaha. Pero kahit late na, High Quality naman to. PROMISE!!! HAHAHA. Pag sinabi kong dekalikad. Dekalidad yan. Hahaha. Char! Yabang ko!

Thank you sa patuloy na support. Sa mga nagko-comments, sobrang natutuwa po ako.

Favor naman please. Balikan niyo po lahat ng mga previous chapters at i-flood votes niyo po ako. Hindi yung basa basa lang kayo jan. Ganern! Isang pindot lang ang pagvote. Wag tamad. Salamat po. Hihihi."

Oh siya! Heto na! Enjoy reading. I-ready niyo na po ang tissue at dramatic song. Hahaha. Godbless!



----



[TERRENCE]



"Malapit na ang Big Bang Party, sino ang napipisil mong pwedeng maging representative ng store natin?" Rinig kong usapan ng mga manager.

"Si Aica sana! Kaso mukha namang walang kalatuy-latuy yan. Hahaha. Parang kuba. Hahaha." Natatawang sagot ng isang manager.

"Si Sam kaya?" Tanong ulit ng RGM.

"Isa pa yun. Hahaha. Baka mag-Hang lang ang utak nun dun. Alam mo naman yan si Sam. Laging lutang sa duty. Hahahaha." Sagot ulit nung isa. Natatawa na lang talaga ako habang nagpupunas ng plato.

"Terrence! Marunong ka bang mag-make up?" Tanong ng RGM namin.

"Opo. Ako pa ba Sir? Hahaha."

"Nice! Ayun naman pala eh. Sino sa tingin mo kay Sam at Aica ang pwedeng representative ng store natin?" Tanong nito. Jusko. Sa isip-isip ko. Store niyo lang po. Hindi po kami taga rito. Borrowed lang po kami. Okray!

"Si Justine po!" Sagot ko.

"Hahaha. Nagpapatawa ka ba?" Pagsingit ng epal na manager na to. Palibhasa siya yung na-AWOL-an ni bakla nung nakaraan.

"Hinde!" Mataray kong sagot. Aba! nagtatanong kayo tapos ayaw niyong maniwala.

"Maganda si Justine at makinis pa. Mas maganda pa nga sayo yun eh." Mataray kong sagot. Kala naman ng babaeng to natatakot ako sa kanya. Wag ako. Kapatid ko si Ivy Aguas! Aguas ha! Hindi si Ivy na katrabaho ko! Kadire! Hahahaha.

"Sabagay. Eh kaso hindi naman makontak yun! Ilang araw na ring absent. Ano na bang balita dun."

"Sir, may sakit po siya, saka nawala daw po yung cellphone niya kaya hindi siya makontak. Magrereport daw po siya bago mag-Big Bang Party." Pagsisinungaling ko kahit na hindi ko naman talaga alam kung nasaan ang baklang yun. Haysss. Bwisit ka Justine. Magpakita ka na, kundi mapapahamak talaga ako sayo!

"I choose Aica!" Sabi ng RGM. "Pero kung aayaw si Aica. Sige. Last choice natin si Justine. Kasi baka hindi siya magpakita eh."

"Sir si Justine na lang. Kung gusto mong humakot ng award tong store niyo, go for Justine tayo Sir!" Sabi ko saka lumapit sa RGM namin na nagko-computer.

"Pwede ba mag-facebook jan Sir? Tingnan mo na lang ang facebook account ni Justine. Lakas maka-model." Pagyayabang ko pa.

"Oo nga no! Babaeng babae. Hahaha." Sabi niya ng makita ang profile ni Justine. "Sige. Sabihin mo sa kanya magpagaling na siya. Pero kung sakali na hindi siya pupunta. Si Aica pa rin ah. Basta ikaw ang mag-aayos sa kanila. Aasahan kita. Masaya na ako kung makakakuha tayo ng kahit na isang award man lang dun." Galak na galak na sabi nito.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now