#SMASP 85: Epilogue

12.3K 492 152
                                    



[JOHN PAUL]



Ayun oh! May girlfriend na ako! HAHAHAHAHA. Sinong mag-aakala na ang lalaking lalaking si John Paul ay iibig at mababaliw sa pabebeng pabebe na Justine na iyon? Sa pagkakaalam ko eh siya yung taong kinaiinisan ko dahil sa sobrang hinhin. Sinong mag aakala na ang baklang iyon ang gugulo sa magulo kong buhay? Ginulo nga ba o inayos? Sinong mag aakala na ang unggoy na iyon ang bukod tanging mambibwisit, magpapakilig, magpapasaya at magpapaiyak sa akin? Sino nga bang mag aakala? Akala ko kasi nung una, imposible.

Minsan, sa kakapaniwala natin sa mga bagay na imposible, eh nakakaranas tayo ng mga karanasang akala natin ay imposibleng mangyari.

Katulad nito, ilang beses ko na atang itinaga sa bato na hindi ako iibig sa gaya niya, na imposible ang magmahal ako ng kagaya niya, pero heto. Ang imposible ay naging posible.

Aba, wala na akong magagawa, puso ko na ang nagsabi. Kesa naman mamuhay ako ng miserable. Diba?

Siya lang ata ang nakapagpapasaya sa akin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Sweet, thoughtful, understanding. Lahat na ata ng klase ng pag intindi ibinigay niya sa akin. At napakaswerte ko sa parteng iyon.

Naisip ko lang, siguro, sa kabilang banda ng mundo, meron ring kagaya niya, na purong-puro kung magmahal. Yung tipong handang ibigay ang lahat para sa minamahal na lalake.

Ganyan magmahal ang mga gaya nila. Ang masaklap nga lang, kaming mga lalake ang nagbubulag-bulagan. Mas iniisip ang sasabihin ng ibang tao kesa sa tunay na nararamdaman.

Yung tipong, ayaw pang aminin na kahit kakarampot ay nagmahal sila ng bakla. Kung tutuusin, sila itong dapat na tawaging bakla, dahil mas takot pa sila sa sasabihin ng ibang tao kesa piliin ang bagay o taong makakapagpasaya sa kanila. Duwag. Immature.

Oo ganun ako dati, inaamin ko naman iyon, pero tingnan niyo naman ngayon. Ang saya saya ko.

Ang natutunan ko sa karanasan kong ito, wala namang mali sa pagmamahal eh. Walang mali kung nagmahal ka ng kapareho mong kasarian. Mas mali pa nga ang manghusga ka ng kapwa.

Mali ang husgahan mo ang isang tao kasi nagmahal siya. Walang mali sa pagmamahal, ang mali, tayo, kasi mapanghusga tayo. Mali tayo, kasi mas pinili nating wag mahusgahan kesa magmahal.

Ang mahalaga, eh naging masaya ka at wala kang tinatapakang tao. Besides, kahit anong gawin mo, mabuti o hindi, people will still judge you anyways kaya think wisely, ija-judge ka na rin naman eh di do what makes you happy. Diba?

Dapat dun lang tayo lagi sa kung saan tayo masaya. Wag na nating isipin ang sasabihin ng iba. At the very end of the day, hindi naman sila yung taong nakakapagpasaya sa atin eh.

They just make us to become what they wanted us to be. Hindi naman pwede yun! We should live our lives on our own.

"Anong iniisip mo?" Tanong ng bago kong kasintahan. Hindi ko kasi alam kung anong itatawag ko sa kanya. Kung girlfriend ba o gayfriend. Jowa na lang kaya? Hahahaha.

"Madami. Masaya ako kasi sa bandang huli, tayo pa rin pala. Hehehe. Masaya ako kasi sinagot mo na ako. October 31. Hindi ko makakalimutan ang date na yan! Ikaw? Anong iniisip mo?" Masayang sabi ko.

"Madami rin! Iniisip ko lang na lagi ka na lang wrong timing! Ihhh nakakainis ka!!!" Gigil na sabi niya habang papadyak padyak pa ng paa dito sa kotse. Papauwi na kami. Ano kayang pinagsasabi nito? Tinotopak na naman.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now