#SMASP 8: Fascinated

10K 535 17
                                    


Vote and comment please. Salamat po.


------


[JUSTINE]




"Hoooy! Tulala ka na jan, Gutom lang yan, tayo na dun sa likod! Kain na tayo." –Nakangiting anyaya ni Gino habang bitbit ang mga plato namin.


Aysowsss. Kala ko naman ayun na! Sabi niya kasi "Tayo na?", eh di pa nga siya nanliligaw. Hahaha. Nakakahiya, nagblush ako at alam kong napansin niya yon. Letse. Ang hirap maging maputi.


Pumunta na kami sa mesa kung saan tahimik na nakain si John Paul, umupo si Gino sa tabi nito, ako naman ay nasa tapat nila.


Naiilang lang ako dahil ang gwapo talaga ni Gino lalo pag tinanggal ang sumbrero, medyo kulot pala ang buhok niya. Ganun pa naman ang mga tipo ko sa mga lalaki. Hihihi. Ang swerte ko naman dahil dalawang gwapo pa ang kasabay ko sa pagkain.


Maya maya pa ay tumayo na si John Paul tinanguan lang kami ni Gino at bumalik na sa trabaho. Hindi ko talaga maintindihan ang isang iyon.


"May topak ba talaga yun si John Paul? Minsan eh kay sungit. Minsan naman parang mabait." Tanong ko kay Gino ng nakalayo na si John Paul. Napangiti lang siya sa sinabi ko.


"Naku, wag mong pansinin yun, ganun talaga yun, nasanay na kami dun, palibhasa eh broken hearted. Stressed lang siguro." Sabi niya saka iniangat na ang kutsara saka isinubo.


"Uhmmm. He's very unpredictable." Sabi ko.


"Yeah, he definitely is." Balik na sagot ni Gino. "By the way, nag-aaral ka ba Justine?" Tanong niya sa akin.


"Hindi pa nga eh. Saka malabo pa akong makapasok sa June, wala pa kasi akong ipon eh, gusto ko kasing maging independent eh. Siguro sa susunod na taon na lang ako mag-aaral. Yun ay kung papalarin. Ikaw ba?" Paliwanag at balik tanong ko kay Gino.


"Ako, 5th year na ako sa pasukan, konting tiis na lang eh makakatapos na ako ng kursong Engeneering." Proud na sabi ni Gino.


"Wow congrats, ang galing mo naman. Naiinspired tuloy akong mag-aral. Parehas pala kayong graduating ni John Paul." Nakangiting sabi ko.


"Kaya mo rin yun no, basta focus ka lang sa goal mo. Ang makapagtapos. Ako nga eh, hindi muna ako nakipagrelasyon." Sabi niya saka uminom ng tubig saka nagpatuloy. "Sa nakikita ko kasi kay John Paul eh mahirap makipagrelasyon habang nag-aaral at nagtatrabaho. Kaya ikaw, aral muna. Hahaha."


"Sabagay, may point ka jan. Haay, naiimagine ko na tuloy ang sarili ko na nakasuot ng college uniform." Sabi ko habang nakatingin sa kisame at nangangarap.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now