#SMASP 33: A Moment In Time

7.3K 367 20
                                    

"Halika na kuya! Wag ka ng mahiya! Hahaha. Kanta ka bilis! Anong pangalan mo?" Tanong ng host.

Si Kenjie naman ay nakatalikod pa rin habang hawak hawak ang kanyang inumin. Halatang kinakabahan.

"Anong pangalan mo?" Tanong ulit ng host.

"Mark po." Sagot ng lalaki.

Pagkarinig nun ay agad namang napaharap si Kenjie at tila nabunutan ng tinik sa dibdib nang malaman na hindi naman pala siya ang tinutukoy ng host kanina.

"Ayyyy, ang gwapo ni Mark no? Ohhh. Lika na, kanta ka dali?"

"Halika na, wag ka na mahiya, ang pogi pogi mo eh. Haha." Pagkasabi ay naglakad na sila papunta sa stage.

"Kala ko talaga ako na yung pakakantahin eh. Walangya ka! Hahaha."

"Hahaha. Ang cute mo palang kabahan. Saka bat ka ba kinakabahan? Siya nga oh? Chill lang." Sabay turo sa lalaking nasa stage.

"Hindi naman kasi ako sanay kumanta sa harap ng maraming tao. Pang-banyo lang tong boses ko."

"Weh, hindi daw. Eh kumanta ka nga kanina sa KFC eh." –Ako.

"Hahaha. Kanina yun. Ngayon mahiyain na ulit ako." Sabay salin ng inumin sa baso niya.

"Huyyy! Ang dami mo ng naiinom. Magmamaneho ka pa mamaya." Alalang sabi ko.

"Hindi yan. Ako bahala. Relax ka lang." –Kenjie.

"Nako ha, sinasabi ko talaga sayo Kenjie. Bahala ka jan. Hindi ako marunog magmaneho, saka hindi kita kayang buhatin. Ang laki laki mo."

Sa background ay nag-uumpisa ng kumanta ang lalaki, hindi ko alam kung anong kinakanta niya. Push niya yan. Kaya nagpatuloy na lang kami ni Kenjie sa pag-uusap.

"Ang kulit mo palang kasama no? Kala ko dati pabebe ka talaga eh." Nakangiting sabi niya. Naalala ko tuloy bigla si John. Siya lang naman kasi ang laging nagsasabing pabebe ako.

"Pati ba naman ikaw. Hahaha." –Natatawang sagot ko.

"Justine, alam mo, masaya rin ako dahil nakilala kita. Ang gaan ng loob ko sayo." –Seryosong sabi ni Kenjie.

"Talaga? Magaan ang loob mo sakin? Hindi kaya ako ang tunay mong ina? Lukso ng dugo! Hahahaha."

"Baliw! Hahaha. Ayan pa nagustuhan ko sayo. Lagi mo kong napapatawa." Sabi nito kasabay ng paglitaw ng natural niyang ngiti.

"Natural na yun sa mga bakla. Haha."

"Soon ipapakilala kita sa mga tropa ko. Mga luko luko rin yung mga yun." 

"Nako. Baka naman pagtripan ako ng mga yun ah. Haha."

"Subukan lang nila. Yari sila sakin. Hahaha. Saka mababait naman ang mga yun no."

"Wish ko lang."

"Kumusta naman kayo ng mga friends mo?" Tanong ni Kenjie habang nilalagyan ng yelo ang baso niya.

"Alin? Mga ka-workmates ko?"

"Hindi, yung mga barkada mo talaga. I'm sure meron ka talagang barkada, I mean yung mga sobrang close mo talaga eversince. Mga kababata, high school friends, mga ganun."

"Ahhh, ayos naman sila, may tatlo pa akong mga bestfriends, lahat beki. Kaso medyo matagal na kaming hindi nagkikita-kita, busy kasi sila sa school. Ako naman busy sa work. Alam mo naman. Hehe."

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now