#SMASP 61: Magulong Unggoy

6.4K 368 56
                                    


Sorry sa late update, hindi ko alam ang gagawin sa chapter na to. Ilang beses ko ng ni-revise para mawala na yung sinasabi niyong palabok palabok na yan. Hahaha. Sana lang maintindihan niyo pa ang flow. Hayyyy. Ang hirap pala maging author. I guess malapit na to matapos. Nakaka-stress, di ko na alam kung paano ie-execute ang mga characters nila John Paul, Justine at Mickey. Kainis. Anyways, enjoy reading.

PS: Your comment might help. So comment please.


---


[JOHN PAUL]


Nakaka-limang movie na ata ako ngayong gabi pero di pa rin ako inaantok. Mag uumaga na. 1 hour ng offline si Justine. Naubos ko na rin ang pizza na binili ko para sa kanya kanina. Hays!

"Hoy bakla!" Chat ko kay Terrence.

"Ano! Maka-bakla ka jan ah! Bakla na nga babaklain mo pa! Bakit?"

"Sabihin mo may text ako kay Justine! Ang dami dami ko ng text hindi siya nagrereply! Sabihin mo naiinis na ko dito!"

"Tulog na yon! Kanina pa! Siguro mga 45 minutes na."

"Ahhh okay. Good! Patingin nga ko kung nasaan siya."

"Anong patingin. Kainis naman to eh." -Reply niya.

"Dali na! Picturan mo lang tapos i-send mo sa akin!"

Ilang minuto pa at may nareceive na akong picture. Si Justine. Tulog. Nakadapa. Hahaha.

"Sino yang katabi niya?" Tanong ko.

"Si Lito yan."

"Ge! Salamat."

"Sige."

"Wait lang. Si Mickey asan?"

"Andun sa kabilang kwarto! Tulog na rin." -Terrence.

"Patingin!"

Agad naman itong nagsend ng picture. Hahahaha.

"Good! Thank you Terrence."

"Tse! Yung totoo John Paul! Kayo na ba ni Justine?"

"Lol! Hahaha."

"Oo o hindi lang naman. Ayaw pang sagutin."

"Hahaha. Tutulog na ko. Bye."

"Tangenang yan." Reply ni Terrence. Natawa na lang ako eh. Hahaha.


---


"Ano unggoy! Kumusta ang funday?" Chat ko kay Justine pagka-break ko pala lang. Alas dos na ng hapon. Mamaya pang alas singko ang out ko.

"Masaya naman. Matutulog pa ko. Antok pa ko. Kumain lang ako." Reply nito saka nag offline na. Di man lang sineen yung reply ko.

"Hello po." Pagbati sakin ng bagong mukha dito sa crew room.

"Hello din. Bago ka?" Tanong ko. Chicks! Ang ganda. Hahaha.

"Hindi po. Sa SM lang po ako nagtraining. Dito na po ako ngayon." Sagot niya.

"Wag ka na mag-po. Ano pangalan mo?" -Tanong ko.

"Steph. Hehe. Ikaw?"

"John. Hehehe." Naiilang ako. Ang ganda eh. Chicks na chicks.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon