#SMASP 9: Sangkabaklaan

10K 525 7
                                    


Vote and comment kayo please. Salamat po.



[JUSTINE]



Mabilis lumipas ang mga araw, magdadalawang linggo na ako sa trabaho. Natapos na ang training ko. Marunong na akong mag-counter at kaya nang makipagsabayan kila Ivy at sa iba pang mga counters lalo ng kay John Paul na mayabang at malakas mang inis.

May mga bagay pa rin naman akong hindi nalalaman pero marami naman akong mapapagtanungan. Sabi nga nila eh, magaling daw akong makinig sa mga itinuturo kaya hindi na sila nagtaka na mabilis akong natuto.

Awa ng Diyos, nae-enjoy ko naman ang pagtatrabaho. Gaya nga ng inaasahan ko. Ka-close ko na silang lahat, lalo na si Ivy, sanay na rin kaming magbiruan at hindi na kami naiilang sa isa't isa.

Si Gino, ayun, pag nagkakataon eh palagi talaga kaming sabay kumakain. Kadalasan nga ay siya lagi ang naghahanda ng meal ko. Alam niyo kasi pag nasa counter ka, hindi ka pwede umalis basta basta lalo na kapag may customer ka. Thankful ako kapag anjan si Gino. May tagahanda ako ng pagkain, pagkaalis ko ng Counter eh kakain na lang ako. Sa sobrang kabaitan niya eh siya lang ang tanging lalake na nakapalagayan ko ng loob sa napakaiksing panahon. Sweet talaga siya sa mga ka-crew niya kaya hindi ko na lang binibigyan ng malisya. Oo, crush ko siya. Sa gwapo ba naman nun eh. Haaay. Hahaha. Ayoko lumande. (Sign of the Cross.)

Si John Paul naman, ay nako, ewan ko ba kung anong nagawa ko sa kanya at laging mainit ang ulo niya sa akin. Bading siguro yun at naiinsecure sa ganda ko. Kainis eh. Lagi na lang akong binibwisit. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

Minsan nga naiiyak talaga ako sa sobrang inis sa kanya pero wala namang nakakakita, sa CR kasi ako naiyak o kaya naman sa stockroom. Hindi ko na nga lang pinapansin eh. Hay nako! Wag na nga natin siyang pag-usapan. Basta naiinis ako sa kanya. Malakas siya mang-asar at mambwisit.

"Hoy teh! May mga bago tayong hire ha! Marunong ka na naman kaya sana tulungan mo kami sa pagtuturo sa kanila. Mga counters din yung mga bagong darating eh. Grabe kasi. Kulang na kulang talaga tayo sa counters ngayon. Magbabakasyon pa naman at marami talagang tao palagi." Mahabang sabi ni Ivy, nagtataka lang ako kung paano niya yun nasabi ng isang hingahan!

"Oo naman te, anong oras ba mag-i-in ang mga yon? Sana may pogi naman dun! Alam mo na, para may inspirasyon naman tayo. Hahaha." –Natatawang sabi ko habang nagpupunas ng assembling table.

"Ang Lalandi! Tsk."­­ – Pabulong na sabi ni John Paul.

Krooo. Krooo. Krooo. Dedma kami ni Ivy.

"Ala una pa yun mag-i-in friend. Puro lalake nga yon eh. Malay mo may pogi. Ayiiii. Hindi ko pa rin kasi nakikita at wala akong ideya."-Ivy

"Magtrabaho nga kayong dalawa! Panay kayo tsismisan." ­–Nakasimangot na sabi ng kumag na to.

"Oo na! Kala mo siya hindi dumadaldal." Inis na sabi ni Ivy habang umiirap. Mabuti at nasabi niya ang gusto ko sanang sabihin.

"Puro kayo daldalan eh. Magtatanghali na. Dadami na ang tao! Baka gusto niyong mag-back-up?" –John Paul

"Opo Sir John Paul, tatahimik na po. Mag-baback-up na po." Irap irap na sabi ni Ivy saka nagbukas ng dalawang plastic ng tissue at inilagay sa lagayan.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now