#SMASP 58: Ano ba talaga?

7.7K 430 32
                                    


A/N: Sorry po sa late update. Exam week kasi namin at naging busy sa pag-aayos ng requirements. Babalik na ako sa KFC. Hahahahaha. Enjoy reading po.

Keep on commenting guys. :D Labyowww

Enjoy reading!

---

[JUSTINE]

Alas syete ng umaga ng magising ako. Wala pa ring kuryente. Nakakaloka. Irereklamo ko talaga ang MERALCO. Hahaha. Char. Nagbihis na ako at isinuot ang damit ko kagabi. Si John Paul ay mahimbing na natutulog.

"John Paul. John Paul!" Malambing na pag-gising ko rito.

"Uhmmm?"

"Uwi na ako. Umaga na eh." Sabi ko.

"Sige sige." Pupungas pungas pa ito ng mata. "Lock mo na lang yung pinto ah."

"Sige sige."

"Anong oras ka aalis?" Tanong niya.

"12 pa." Sagot ko.

"Ahhh. Mauuna ako umalis. Wait mo ko mamaya ah. Puntahan kita sa SM."

"Sige sige."

Pagkasabi ay bumalik na rin ito sa pagtulog. Antok na antok si Kumag. Sabagay maaga pa naman talaga. Lumabas na ako at inilock ang door knob.

"Te. Anjan na ba yung susi? Sabi kasi ipapadala daw eh." Tanong ko sa kapitbahay namin.

"Oo, andito na. Ngayon ngayon lang dumating. Dala nung Papa ni Nunoy. Galing makati din yun eh."

"Sige po. Salamat te. Hehehe. Matutulog ulit ako. Hahaha. Napuyat ako. Brownout eh. Kainis." Sabi ko saka naglakad na papuntang bahay namin.

--

"Anjan na si Unggoy mo!" Nakangiting sabi ni Aica.

"Hahaha. Loka ka! Sige na mag eendorse na ako. Out na ko 7:30 eh." Sabi ko. 7:38 na sa orasan.

"Gusto mo pizza?" Tanong ni John Paul mula sa kinauupuan niya.

"Sige ikaw bahala!" Sabi ko saka pumasok na sa loob para magpunas ng plato, pagkatapos ay agad na rin akong nagbihis at pumunta sa kinauupuan ni John Paul.

"Ano yan?" Tanong ko ng makita ang isang family size na pizza.

"Eh di pizza! Tinanong kita kanina kung gusto mo ng pizza! Sabi mo oo." Ppagsusungit nito.

"Oo nga, kaya nga. Eh bakit ang dami naman? Isang box talaga? Akala ko dalawang slice lang bibilhin mo!"

"Eh hayaan mo na! Nabili ko na eh. Alangan namang ibalik ko pa yan sa Pizza Hut! Kung gusto mo i-refund mo dun. Hahaha."

Nako ayoko nga. Baka makilala pa ako dun no. Baka pabayaran pa sakin yung nabasag kong plato sa mukha ni Karen. Hahaha.

"Ewan ko sayo! Tara na! Sa bahay na yan kainin." Agad naman nitong inilagay ang headset sa bag at saka tumayo.

"Inaantok na ko!" Sabi ko pagkaupo pa lang namin sa jeep.

"Wow. Nakakahiya naman sayo. Tanghali naman ang pasok mo kanina kaya mahaba ang tulog mo!"

"Oo nga! Eh hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi! Kita mong brown out!" Pagsusungit ko.

"Hindi daw nakatulog ng maayos! Eh pahilik hilik ka pa nga. Feel na feel mo pa pagyakap mo sakin!"

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now